Una sa Balita

Jin ng Cebu, Eris ng Rizal kinatatakutan sa ‘BidaMan’

0 570

abante-paistaran-dondon-serminoNgayong tanghali ang final paguwapuhan, pagalingan umarte, at sumagot sa mga tanong, ng mga BidaMan grand finalist sa “It’s Showtime”. At sa pagharap nila sa media last Wednesday ay umangat agad ang kaguwapuhan ng marami sa kanila.

Ilan sa bet ng mga manunulat ay sina Johannes Rissler ng Davao, Jin Macapagal ng Cebu, Takayuki Sakamoto ng Taguig, Wize Estabilo ng Tarlac, Jervy delos Reyes ng Bulacan, Polo Laurel ng Pasay, Eris Aragoza ng Rizal, Nathan Garcia ng Cavite, John Padilla ng Bataan, Thor Gomez ng Tondo, Ron Macapagal ng Cavite.

Pero sa kanilang lahat, sina Jin ng Cebu, Eris ng Rizal ang kinatakutan nila, na feeling nila ay posibleng mag-uwi ng korona, premyo.

Pero, sabi nga, kahit sino sa kanila, posibleng manalo. Depende sa panlasa ng mga hurado, at sa performance nila, ‘di ba?

Hindi nga basehan na porke popular ka sa social media, automatic na panalo ka na. Ayaw ni Vickie Rushton ng ganyan.

Pero, kaloka lang na sa mga nagdaang araw, lahat sila ay super iyakan sa interview sa kanila nina Vice Ganda, Anne Curtis, at Vhong Navarro. Lahat sila may kuwentong malungkot.

So, wait na lang natin ang bakbakan nila ngayon! Pero jackpot ang magwawagi, dahil sure agad na may pelikula siya, pera, bahay at lupa, at marami pang iba.

Fairy Mona, Hans tuloy ang bugbugan

Sa pagpapatuloy ng “Daig Kayo Ng Lola Ko”, nagsi­mula na ngang magbugbugan sina Hans at Fairy Mona. Pero pina-freeze muna ni Fairy Mona ang mga isip ng mga tao upang huwag masaksihan ang kanilang laban.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaban, nakatakas si Hans at naiwang bigo si Fairy Mona. Pinangako nina Vina, Ronnie, at Berry na tulungan si Fairy Mona upang hanapin si Hans.

Nagmatyag si Hans kina Vina at Ronnie, bumubu­ngisngis dahil nais nitong makipaglaro sa dalawa. Nag-transform ito bilang si Betty. Nilapitan ni Hans si Vina at Ronnie bilang si Berry. Sinabi ni Hans kay Ronnie na hinahanap siya ni Fairy Mona. Nagtiwala naman si Ronnie kay Hans at dali-daling umalis.

Sinubukan ni Fairy Mona na humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigang hayop at halaman sa siyudad. Pagkatapos umawit, lahat sila ay rumesponde sa tawag ni Fairy Mona. Inutusan nito ang mga ibon na hanapin sina Vina at Hans.

Sasaktan naman ni Hans si Vina, pero mabuti na lang at dumating sa tamang oras sina Fairy Mona, Betty, at Ronnie. Maglalaban ulit sina Fairy Mona at Hans. At sa huli ay magtatagum­pay si Fairy Mona na maisahan si Hans at mahuli ito.

Sumuko rin si Hans at humi-ngi ng tawad kay Fairy Mona. Pinatawad ni Fairy Mona si Hans at sumama sa kanya pabalik sa kabundukan.
Nagyakapan sina Vina, Ronnie, at Betty at nagpatuloy na maging ‘squad’ na maraming pangarap sa buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy