Una sa Balita

Jin Lopez tiyak sa medalya

By
0 406

TINALO ni Pauline Lopez si Ne­palese Gyani Chunara 20-0 sa quarterfinals ng taekwondo wo­men’s 57-kgs. sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong Martes.

Dahil sa panalong ito, sigurado na sa ikatlong pwesto si Lopez. Sunod na makakaharap ni Lopez si Lou Zongshi ng China sa semifinals habang sinusulat ang balitang ito.

Madaling tinalo ni Lopez si Xiao Feng ng Macao sa round of 16. Si Lopez ay nag-uwi ng gold medal noong 2015 Asian Games sa Singapore.

Maaga namang natalo sa torneo sina Kirstie Alora sa wo­men’s +67kgs. event at si Darlene Arpon sa -67kgs. event.

Kasalukuyang may tatlong tansong medalya na ang Pilipinas sa 18th Asian Games.