Una sa Balita

Jimwell Pacquiao hindi mayabang

By
0 902

Mahiyahin pala ang anak ni Manny Pacquiao, si Jimwell Pacquiao. Noong katatapos kasi ng boxing fight ni Manny laban kay Lucan Matthysse sa Kuala Lumpur ay nakita namin ni Annabelle Rama si Jimwell sa suite room ng ating Pambasang Kamao.

Biniro ni Bisaya si Jimwell kung gusto ba nitong mag-artista, pero ayaw raw.

Actually, parang shy na shy nga si Jimwell habang kinakausap siya ni Bisaya. Kahit shy, mukhang mabait naman si Jimwell.

Malayo siya sa ibang mga anak ng mga sikat na mayayabang ang dating.

Mukhang aral na aral kina Manny at Jinkee Pacquiao si Jimwell dahil wala itong kayabang-yabang sa katawan!