Una sa Balita

Jim gustong yakapin ni Mr. Pure Energy

By
0 634

As expected, bilang isang singer at kilala rin na malapit sa grupo ng Apo Hi­king Society, tinanong si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa na­ging reaksyon nito sa naging sex video scandal ni Jim Paredes.

Ayon kay Gary, “As an OPM singer, siyempre, malungkot ako sa nangyari sa kanya, but kung walang mga katulad ko ngayon na can tell him that I’m still here for you and your family, sino pa?” saad ni Gary V. nang makausap sa presscon ng pagbabalik niya sa kanyang US tour.

Umamin at humingi ng paumanhin si Jim sa kumalat na private sex video niya at ayon kay Gary V na gusto niya itong yakapin kapag nakita niya.

“Kung ‘yan ang mangyari sa akin, I would love to even have just one person who’d be able to come up to me and say, ‘you know what? Let’s go through this together.’

“I don’t know kung paano siya makaka-reco­ver dito, but those are the things na hard realizations. But I know that with me kasi, if God has given me chan­ces before, what can’t I do the same for somebody like Jim Paredes who has touched many lives with the songs that he has written also. But he is not perfect.”

Sey pa niya, “I would like to sit with him and just talk to him, maybe give him a hug and not only him but his family as well.”

Hindi pa raw niya nakakausap ang singer. Hindi rin niya ito tinext o tinawagan.

“I know he needs time on his own. It’s something na medyo mahirap harapin, I know many people are putting him down pero ako, dahil alam ko rin ang mga pagkakamali ko sa buhay at nabigyan ako ng pagkakataon din na mag-apologize, I’ve been forgiven for many things also. So I put myself on that situation. I’m choo­sing to be there not just for him, kasi marami ang nagsasabi na kawawa naman ‘yung misis niya. I know, that’s why I just wanna be there for them, not just for him.”

Ngayong nasa tiptop condition na muli si Gary at opisyal siyang binigyan ng mga doktor ng clean bill of health pagkatapos ng pinagdaanan niyang open heart surgery at kidney cancer, muli na namang mapapanood si Gary sa Amerika sa series of concert niya na, “He’s Back: Gary V US Tour.”

Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at susundan ito ng mga shows sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; sa Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; sa Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos ito sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.

Sabi nga niya, “I’m very excited to go back to the US and perform for everyone there,” maligayang sabi ni Gary V. “Kasama ko ang dalawang very talented young divas – na sina Jona at Katrina, and I’m hoping that the people in the States will have fun and fall in love with the show that we have prepared for them.”

Date kay John Lloyd b-day wish ni Miles

Hinihingi na ni Miles Ocampo na pa-birthday gift na raw sana sa kanya na panoorin ang movie niya, ang “Maledicto” sa May 1.

Ngayon lang daw nangyari na birthday niya mismo ang showing ng sariling movie.

Ang “Maledicto” is a Latin bad or curse word at isang horror film na produced ng FOX Original Productions. Bongga ang role ni Miles sa movie, naaalala namin sa kanya ang Hollywood film na “Exorcism of Emily Rose” bilang siya ang estudyante na sinapian dito.

“Actually hindi ko siya napanood, natatakot ako, Ha ha ha! Marami na rin akong nagawang horror film, pero itong ‘Maledicto,’ it’s really different.

“Masasabi ko siguro, ito ‘yung pinaka-big break ko sa movie. Very challenging talaga kasi, ‘di ba, parang in real life, wala naman akong basis ng taong nasasapian talaga. Nakakatakot siya but when I read the script, ang ganda talaga.”

Sa isang banda, hindi na kami magtataka kung hihilingin din niyang birthday gift sa isa sa malapit niyang “kuya” na si John Lloyd Cruz na panoorin din ito.

Last birthday raw niya, pinuntahan siya ng actor sa University of the Philippines at kumain daw sila sa sikat na barbequehan du’n.
Kuwento ni Miles, “Happy siya, happy naman siya.”

Nabalitaan din daw niya na tila magbabalik na ito. At isa raw siya sa natuwa nang mabasa ito.

“Nabasa ko siya sa isang article. And sana nga ‘di ba, of course naman, si Kuya ‘yun,” sey niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy