Una sa Balita

Jillian pinalaking mahinhin

0 1,203

abante-talbog-joe-barramedaAng maganda at kaakitakit na si Arra San Agustin ay mukhang nabibigyan na ng atensyon ng GMA. Kung noon ay madalas sa ‘Bubble Gang’ lang namin siya napapanood, ngayon ay sunod-sunod ang mga project niya.

Kung saan-saan namin­ siya napapanood bilang guest ng mga GMA shows. Katatapos lang niya sa ‘The Cure’ at ngayon ay kasama siya ni Ken Chan sa ‘My Special Tatay’. Pangarap daw talaga ni Arra na umarte at natupad din after niyang makatapos ng pag-aaral. Si Arra ay produkto ng latest Starstruck competition.

Ang dalagitang si Jillian­ Ward ay kasama rin sa cast. Kung noon ay super kulit ang bagets ay sobrang tahimik ngayon na animo’y mahinhing dalaga. Kasi nga 13-years old na at napalaki ng magulang na tahimik at maayos.

Sa kasalukuyan ay nasa cast siya ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ every Sunday ng Hapon. Si LA Madridejos ang direktor ng project na ito.

Ken Chan markado na bilang transwoman

Hindi pa rin nawawala sa isipan­ namin ang ‘Destiny Rose’ na ginampanan ni Ken Chan. Itong teleseryeng ito na tumatak sa mga Kapuso viewers ang nagbukas ng maraming opportunities sa buhay showbiz ni Ken dahil sa husay niyang ginampanan ang role na ito.

Matapos ang teleseryeng ito ay ang sunod-sunod na ang magagan­dang roles na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA at ang huli ay ang ‘The Cure’.

Isa na namang challenging role ang ipinagkakatiwala ng GMA kay Chen, ang upcoming teleseryeng ‘My Special­ Tatay’ na malapit nang i-ere. Isang special child na lumaki at aksidenteng naging ama ang role niya.

Isang malaking challenge raw ito kay Ken na kinailangang manood ng mga movie na may ganitong topic at nagpunta pa sila sa isang special facility sa Mandaluyong na nangangalaga sa mga ganitong tao.

Vhong natakot sa kaligtasan ng mga anak

Malaking trauma nga kay Vhong Navarro ang naranasan niya sa gulong kinasangkutan niya kina Deniece Cornejo at Cedric Lee. Nagkaroon ng takot si Vhong para sa kaligtasan ng mga anak bilang notorious daw ang mga kalaban niya.

Nagpapasalamat si Vhong na naabsuwelto siya sa kasong isinampa­ nila. Teary-eyed si Vhong habang nagkukuwento ito tungkol sa isyu sa mediacon ng pelikulang ‘Unli Life’ na part ng Pista Ng Pelikulang Pilipino na ngayong August magsisimula. Bale ito’y entry ng Regal Entertainment sa nasabing film festival.

As usual ang pagkakomedyante pa rin ni Vhong ang mangingi­babaw dito. Walang ba­lak si Vhong na lisanin ang kanyang ginagalawan hangga’t may mga taong naniniwala sa kanya at nagpapasaya.

Natatandaan pa namin noon si Vhong bilang miyembro ng Streetboys ni Direk Chito Roño, siya ang pinakamakulit at masayahing tao. Ngayon made na made na siya na ipinagmamalaki ni Direk Chito.