Una sa Balita

JIHADISTS: CREATE BOMB FOR MISS UNIVERSE!

By
0 144

ZAMBOANGA CITY — Target ngayon ng mga terorista ang Miss Universe na idaraos sa ating bansa matapos manawagan ang mga jihadists na bombahin ang naturang pagtatanghal sa susunod na taon.

Sa ulat ng international broadcaster RT TV, sinabi nitong nanawagan ang mga jihadists sa kanilang video na ini­lagay online na atakihin ang 2017 Miss Universe pageant at nag-iwan pa ito ng instructions kung paanong gumawa ng bomba at explosive belt.

“Philippines jihadists Telegram channel posted a video for making an explosive belt and suggested ‘Create bomb for miss universe,” ani sa ulat na iniwan umano ng mga terorista sa Telegram Messenger group at hinimok ang mga “IS Philippines supporters” na gawin ito.

Nakasaad din ito sa ulat ng SITE Intelligence Group na siyang nagmo-monitor sa online activity ng iba’t ibang jihadist organizations sa buong mundo.

Gaganapin ang international beauty pageant sa Enero 30, ngunit hindi pa sinasabi ng mga organizers kung saan ito idaraos ngunit kabilang diumano sa mga venue ay ang Philippine Arena sa Bulacan province at Mall of Asia sa Pasay City.

Tatlong grupo ng mga terorista sa bansa  ang Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at ang Maute group  ay nagpahayag ng kanilang allegiance sa Islamic State. Wala pang pahayag ang militar at pamahalaang Duterte sa naturang pagbabanta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More