Una sa Balita

Jhong ibinuking ang planong pagbubuntis ni Anne

By
0 693

Aksidenteng nabuking ni Jhong Hilario na buntis na si Anne Curtis?

Sa naging biruan nila, kasama si Vhong Navarro, sa isang contestant ng Tawag Ng Tanghalan, tila nabuking yata ni Jhong ang kalagayan ngayon ni Anne.

Nagsimula kasi ang lahat sa usapan tungkol sa relationships, marriage, and motherhood. Single pa kasi ang contestant at mina-match nila ito sa isang single na production staff na pinangalanan nilang Dumbo. Tapos ay nirereto nila ito kay Ryan Bang.

Noong napag-usapan na ang edad ng contestant na 28, may ibang mga babae raw kasi na nahihirapan nang magbuntis o manganak sa gano’ng edad.

Sey ni Jhong: “Eh, ‘di ba sabi nila nahihirapan na daw ma­nganak ‘pag ganyan. Pero hindi ako naniniwala dun kasi si Anne nga, eh. Magkakaanak daw siya ng ano… next year ba?”
Biglang natahimik ang lahat sa studio dahil na-awkward si Anne sa tanong na iyon ni Jhong.

“Maka-private conversation ka naman,” sabay tawa na lang ni Anne.
Humirit pa si Jhong ng: “Kaya nga hindi ako sigurado, nagtatanong ako, ‘di ba?”
Simpleng sumingit na lang si Vhong kay Anne ng: “Pero… Good luck diyan ha!”

 

Sunshine nanganak na

Pinost na ng former Sex Bomb Girl na si Sunshine Garcia ang photo ng baby boy nila ng fiance niyang si Alex Castro. Ipinanganak ni Sunshine ang kanilang baby noong nakaraang September 10 sa St. Luke’s Global City.

Masayang-masaya si Daddy Alex dahil naging maayos ang panganganak ni Mommy Sunshine.

“Welcome to the world our little Castro. Thank you sa lahat ng nag-pray at nag-message para sa safe delivery ni Shine” caption ni Alex sa kanyang IG post.
Post naman ni Sunshine: “Our baby boy. We love you anak @bmalexcastro.”

In-announce ni Sunshine na buntis siya sa baby nila ni Alex noong nasa 6th month na siya ng kanyang pagbubuntis.

Tinago nga muna ng dalawa na magkakaanak na sila. Hanggang sa hindi na ito maitago pa ni Sunshine dahil biglang lumobo na ang tiyan niya.

Tatlong taong nagkaroon ng relasyon sina Sunshine at Alex hanggang sa mag-propose si Alex noong nakaraang December 2017.