Una sa Balita

Jhong baka mabugbog sa pang-aasar kina Vice, Calvin

By
0 1,366

Sagana, at alagang tuksuhin nina Vhong Navarro, Jhong Hilario si Vice Ganda, lalo na pagdating sa ‘relasyon’ nito kay Calvin Abueva. Sa It’s Showtime nga, halos maya’t-maya ay inaasar ng dalawa si Vice Ganda, na siyempre pa, kahit palaban sa biruan, pagdating sa usapin sa basketbolista, biglang tumatahimik, at tila nauubusan siya ng salita.

Bongga nga ang eksena ni Vice kamakailan sa laro ni Calvin. Nanoood siya, at ipinakita pa niya ang pagsinghot-singhot niya sa jersey ni Calvin.

Na ang biro niya, pinalabhan lang sa kanya, at hindi naman talaga ibinigay.

“May masuwerte, may nabigyan ng jersey!” hirit ni Vhong.

“Anong nabigyan? Pinapalabhan sa kanya ‘yon! Hahahaha!” sey naman ni Jhong.

“Jhonggggggg…. Totoo nga. Hahahahahaha!” reaksiyon na lang ni Vice na parang hinang-hina nga.

“Kasi nag-text ako sa kanya na salamat sa jersey. Sabi niya, anong jersey? ‘Yung inabot mo. Sabi niya, hindi, kasi basang-basa ng pawis, pakilabahan.’ Hahahaha!” kuwento pa ni Vice, na obyus naman na biro lang.

Eh, sa Showtime nga, naibahagi ni Ryan Bang (kasama ni Vice sa panonood ng basketball) na sobrang kinilig, at hindi niya malimutan ang eksena, na kapag nakaka-shoot si Calvin, itinuturo ang Meme Vice niya.

“‘Yung ang moment na hindi ko makalimutan, na pagkatapos mag-shoot, tapos tinuro,” chika ni Ryan, na ikinatili ng mga manonood.

Eh, biglang humirit si Jhong, at sinabi na…

“Alam mo kung bakit tinuro? Kasi nga nangako siya, pag naka-shoot, P20K. So, pag-shoot ng ganun, P20K ko!” patawa-tawang kuwento ni Jhong.

“Nanonood ‘yon, pag ikaw nabugbog! Sinasabi ko sa’yo!” patawa-tawa ring sabi ni Vice kay Jhong.

“Joke lang. Joke lang! Calvin! Ayyyyy!” hirit ni Jhong, na nadulas ngang banggitin ang pangalan ni Calvin.

Dahil doon, lalong nagtilian ang mga tao sa studio, sabay patugtog ng kantang Otso-Otso (number ni Calvin).

“Hindi, idol yan! Idol yan!” say na lang ni Jhong.
Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy