Una sa Balita

Jeth Morado inangklahan ang FEU sa chess crown

By
0 161

PINATALSIK ng Far Eastern University sa trono ang National University sa men’s division habang nagreyna ang De La Salle sa katatapos na UAAP Season 81 chess tournament sa UST Quadricentennial Pavilion.

Kumolekta ang Tamaraws sa 14-round event ng 40 points upang sikwatin ang 14th men’s crown overall at kalsuhan ang tatlong taong pamamayagpag ng Bulldogs.

Nirehistro naman ng Lady Archers woodpushers ang 43 points sapat upang hablutin ang pangalawang sunod na titulo at ikahon ang pang ninth sa distaff side.

Pagkatapos ng penultimate round ay tiyak nang kampeon ang FEU, tabla sila sa DLSU, 2-2, noong Sabado bago itinaob ang eventual third placers Adamson University, 2.5-1.5, sa final round.

Pinangunahan ni Rookie of the Year winner Jeth Morado ang Tamaraws, sinilo ang gold medal sa Board 2 habang si Romy Fagon ang nag-uwi ng ginto sa Board 4.
Alam ng Bulldogs na wala na sa kanila ang titulo matapos silang matablahan ng University of the East, (2-2) noong Sabado.

Sinakmal ni NU International Master Paulo Bersamina ang gold sa Board 1 at tinanghal siyang season MVP.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy