Una sa Balita

Jet ski pinakabagong pro sport — GAB

By
0 1,262

Ang jet ski race, isa sa in-demand ngayong water sports activity sa mundo, ay kabilang na sa opisyal na listahan bilang professional sports sa bansa ng Games and Amusements Board (GAB). 

Sa resolusyong ipinasa ng GAB sa pa­ngunguna ni chairman Abraham Kahlil Mitra,  kasama sina commissioner Eduard Trinidad at Mar Suguid, opisyal nang kinilala ang jet ski race tournament bilang isang pro sports sa Pilipinas.

 
Ang GAB, alinsunod sa Presidential Decree 871, ay may mandato sa pamamahala at regulasyon ng pro sports sa bansa kasama ang basketball, football,  boxing,  golf,  billiard, motocross, triathlon/multi sports, eSports at iba pa.

Batay sa resolusyon, ang jet ski racing tourney, kabilang na ang iba pang professional water sports, na mayroong prize money at pinartisipahan ng mga professional rider at regular na tumatanggap ng sweldo,  ay kailangang tumalima sa pagkuha ng permit at kinakailangang lisensiya sa GAB. At bilang sukli sa pagiging regulated, ang pro sports tournament ay bibigyan ng medical, security at legal protection ng GAB.

Epektibo ang re­solusyon, sa unang tampisaw ng jet ski ay ang isasagawang torneo sa Cebu — ang 1st Cebu Jet Ski Invitational Race ngayong July 28-29 sa Kawit Point, South Road Properties, Cebu City.

Ang Jet Ski event, na inorganisa ng Man and Machines Promotions, Inc. ay papartisipahan ng kapwa mga lokal at foreign jet ski rider at gagabayan ng GAB personnel ang naturang torneo.

“GAB is united with the current administrations vision to promote drug-free country, with drug testing as one its strict requirements in the issuance of professional license to professional sports. License and game permit payments in turn to provide additional funds for the government,” lahad ni GAB chairman Mitra kahapon sa panayam ng mga miyembro ng TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) sa GAB office sa Makati.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy