Una sa Balita

Jet Li tumanda sa sakit sa puso, hyperthyroidism

By
0 3,666

Anyare kay Jet Li? May sakit ba siya? Problemado ba siya? Bakit hindi ko na siya makilala? Kawawa naman siya. Sana makabawi pa siya sa itsura niya.

Ganiyan ang sunod-sunod na chika ng mga fan, nang bumulaga sa social media ang bagong itsura ni Jet Li, ang makisig na action star, martial arts hero, na hinangaan sa mahabang panahon.

Sa latest photo kasi ni Jet Li, na itinabi pa sa mga luma niyang mga larawan, na super guwapo, makisig, talagang hindi mo na makikita ang itsura na hinangaan sa kanya.

‘Looking frail and unrecognizable’ ang deskripsyon ng marami.

Eh, kung tutuusin, ang bata-bata pa ni Jet Li sa edad na 55. Mas marami pa ngang mas may edad sa kanya ang fresh na fresh pa rin hanggang ngayon.

Pero, sinabi nga ni Jet Li nung 2013 na ‘he was suffering from hyperthyroidism and a heart condition’. Pinahirapan din ang katawan niya ng mga injury sa kanyang legs and spine, na nakuha niya sa mga action scene, stunt niya sa mga pelikulang ginawa niya noon.

Ang tingin ng marami, mukhang 80 years old na si Jet Li, na ikinalungkot nga ng mga tagahanga niya.

I’m sure isa ang megastar na si Sharon Cuneta sa nalungkot sa sitwasyon ngayon ni Jet Li.

Idol na idol ni Shawie si Jet Li, at naalala ko pa nu’ng 2016 ay nag-post talaga siya sa kanyang Facebook account ng picture ni Jet Li, na sinabihan nga niyang sobrang guwapo. Sa ngayon, si Gong Yoo ang hinahangaan ni Sharon.

Anyway, para sa mga fan, dasal, pang-unawa, suporta pa rin ang dapat na ibigay nila kay Jet Li.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy