Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy todo hubad bago pabuntis

0 228

Buntis na ba si Jessy Mendiola?

‘Yan ang mga nagtatakang tanong ng mga netizen dahil sa caption nito sa Instagram, tungkol sa teaser ng sexy pictorial niya na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Punung-puno ng kaseksihan, alindog si Jessy sa photo shoot na `yon, suot ang strappy black bathing suit.

“This is it! My last pasabog pictorial before I turn 30 and before I get preggy!” sabi ni Jessy.

Malayo pa (December 3) ang birthday ni Jessy, pero nagparamdam na siya ng retirement sa pagpapa-sexy.

Kaya feeling ng marami, baka nga buntis na ang aktres at gusto lang niya namnamin ang kaseksihan niya noong kinunan ang mga video, photo na `yon.

At sa YouTube channel naman ni Vilma Santos Recto, nagparamdam na rin si Luis Manzano, na humirit nga siya ng mga “baby stuff” sa kanila.

Anyway, marami naman ang sabik na ngang makitang buntis si Jessy.

Alex mabenta pa rin sa YT

Hindi ginaya ni Alex Gonzaga si Toni Gonzaga, na nagbawas ng mga following sa Instagram.

Sa 111 following ni Alex ay nanatili sa listahan sina Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Bianca Gonzales, Sharon Cuneta, na sa ngayon ay kalaban ng kanyang Ate, kung ang mga sinusuportahang kandidato ang pag-uusapan. Pero, tila pumayat ang mga pina-follow niya, ha!

Anyway, wagi pa rin naman ang YouTube content ni Alex na “Sino ang Mas” challenge YT vlog niya, kasama ang mister na si Mikee Morada, at ang mag-asawang Toni, Paul Soriano. Naka-3.7M view na ito sa loob ng 3 araw.

Angel may banta kay Neil sa V-day

Mapipilitang magpa-tattoo uli si Neil Arce ng mukha ng misis niyang si Angel Locsin. Aba, nagbanta ang aktres na hindi magiging espesyal, at huwag na lang silang mag-Valentines’ kung hindi ipapa-tattoo ni Neil ang kanyang mukha.

Na-impress, natuwa si Angel sa natanggap na photo, video, na nagpapakita ng kanyang mukha na iginuhit ng isang lalakeng fan sa kanyang binti, gamit ang ballpen.

“Ano game sa Valentines day @neil_arce? Kung hindi rin lang ganito, di bale na lang! A friend sent me this from Forbile Nolan Rivas. Thank you!” pabirong hamon ni Angel kay Neil.

Leave A Reply

Your email address will not be published.