Una sa Balita

Jessy sinuko na ang sarili kay Luis

0 480

Tumuntong na sa ikatlong taon ang romantic relationship nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

At sa puntong ito, mas lalo pang tumamis ang kanilang pagmamahalan na mababasa sa magkakahiwalay nilang anniversary messages para sa isa’t isa sa Instagram.

Sa caption ni Jessy, lumalabas na wala na siyang ibang ninanais pang makatulu-yan kundi si Luis. Pinasalamatan ni Jessy ang Diyos sa tinupad na dala-ngin niyang bigyan siya ng isang “good man” at ito ay si Luis na ipaglalaban siya, aalagaan at sasamahan siya sa mga mabibigat na mga sandali ng kanyang buhay.

“God knew I needed someone like you in my life,” sabi pa ni Jessy.
Sa kanyang huling mensahe, umaapaw sa pag-ibig ang puso ng aktres.
“I know in my heart you are the one for me.”

Hindi naman nagpatalbog si Luis. Kasabay ng pagpapasalamat nito sa pagdalo ng kasintahan sa kaarawan nito tatlong taon na ang nakakaraan, sinigurado na nito ang kanyang “forever” sa kasintahan.

“Thank you for being who you are and always being there, I love you, 3 down…forever to go,” sey ni Luis.

Wala nang ibang pupuntahan ang tamis ng relasyon ng dalawa kundi sa kasalan. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy