Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy ‘momski’ na ang tawag kay Vilma

0 279

Napagkamalan ngang ‘pamamanhikan’ ang nakitang photo nina Cong. Vilma Santos Recto, Ryan Christian Recto, Luis Manzano, at Jessy Mendiola.

Feeling ng mga fan, namanhikan na ang pamilya Santos-Recto sa pamilya Mendiola.

Pero, hindi nga raw pamamanhikan `yon, dahil post birthday celebration `yon ni Ate Vi.

michijonsson: “Akala ko pamanhikan na hehehe.”

Pero sabi nga ni Ate Vi: “Post birthday visit… Thank you guys! I love you!”

At bongga nga ang sagot ni Jessy, ha!

“Love you Momski!”

Oh, diba, malinaw na ‘momski’ na ang tawag niya kay Ate Vi. Hindi Ate Vi, hindi Tita Vi, hindi Mother Vi, kundi ‘Momski’ na ang katumbas ng ‘Mommy’, ‘Nanay’ o ‘Mama.’

Well, tila excited na nga ang mga fan sa magaganap na kasal nina Jessy at Luis.

mynemjuzlee4ever: “Wedding nlang ang hinihintay ng buong Philippines.”

itsmejoannasambayan07: “si Jessy nagwagi sa dmi ng ‘wait natin sino papakasalan ni Luis…Waiting for their babies, for sure cute.”

victorina.devibar: “Happy birthday love to see with miss senyorita Jessy and your sons together in the photo.”

Pero, ang isang bagay na napapansin talaga lagi kay Ate Vi ay ang kagandahan, at kasariwaan nito.

glenncenabre: “Vilma Santos is one of the very few lucky persons who get more and more beautiful as they age. Happy Birthday Ate Vi!”

Well…

Chito Miranda rumaket na music teacher

Happy si Chito Miranda, dahil kahit wala pang raket na tugtugan, may trabaho pa rin siya.

Matutuwa ang mga matagal nang sumusubaybay sa pagbabanda sa bansa dahil pangungunahan ni Chito Miranda ng bandang Parokya Ni Edgar ang magaganap na “MYX Musiclass” ngayong Nov. 28 (Sabado).

Matapos magbahagi ng mga kaalaman nila sina Raymund Marasigan sa Music Production 101 at ang magkapatid na sina Paolo and Miguel Guico ng Ben&Ben sa Songwriting 101, ibibida naman ni Chito ang mga personal niyang karanasan sa pagsusulat ng kanta, pag-awit, at pagpe-perform nang live sa ikatlong leg ng “MYX Musiclass.”

Kilala si Chito bilang lead singer ng Parokya Ni Edgar at aktibo sa pagbabanda simula pa noong late ’90s. Marami na silang nai-release na iconic hits mula sa mga matagumpay nilang albums.

Siguradong nag-aabang ang mga makabuluhang aral at puno ng inspirasyong mga kwento para sa 500 na maswerteng participants sa eksklusibo at libreng Zoom webinar, kaya pwede nang mag-register dito ang mga interesado.

Huwag palampasin ang pagkakataong matuto mula mismo kay Chito sa ikatlong leg ng “MYX Musiclass” sa Nov. 28, 4pm! Mag-register na para makakuha ng slot. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.