Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy Mendiola lumipat na sa TV5

0 2,744

Tuluyan na bang lumipat sa TV5 ang girlfriend ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola?

Nakapag-taping na kasi si Jessy para sa cooking show (o lifestyle show na may cooking segment?) para sa TV5.

Sabi sa akin ng ibang mga nasa taping ng nasabing show, mabait daw si Jessy at magaling makisama sa mga staff at crew.

Isang season daw ang contract ng nasabing show ni Jessy sa TV5.

Sa July 25 daw ang pilot airing ng show ni Jessy.

Retiradong GMA big boss bongga ang career sa Singko

Hindi lang pala ang “URL (Usapang Real Life)” na iniho-host Ms. Luchi Cruz-Valdes ang na nila-line-produce for TV5 ng retired GMA 7 lady big boss na si Ms. Wilma Galvante under her Content Cows Company, Inc.

Nasa season 4 na pala ang “Mombiz” show nina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag na hawak din ni Tita Wilma.

Napapanood din sa Colours channel sa Cignal Cable ang show na ‘yon at ‘yung season 4 daw ay mapapanood naman sa TV5 by August.

Kongresistang maka-showbiz yes sa franchise renewal

Hindi pa naman daw talaga noong Monday ang botohan ng mga kongresistang boboto para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Dalawang kongresista ang tinanong ko noong Monday.

Ang sabi ng isa (na hindi kasama sa mga boboto), ngayon daw o sa Miyerkules.

Sabi naman ng isa na kasama sa mga boboto, “This week malamang ang botohan. Yes, member ako ng franchise committee.”

Hindi ko na inusisa ang kongresistang ‘yon kung PRO ba siya sa renewal o hindi dahil hindi rin naman niya sasabihin.

Pero maka-showbiz industry ang taong ‘yon, so I guess mag-yes siya kung saka-sakaling magbotohan na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.