Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy, Luis ‘kinasal’ sa Batangas

0 187

Dahil sa inilabas na stolen shot ng isang entertainment website kunsaan, tila naka-wedding gown si Jessy Mendiola at naka-pink suit naman si Luis Manzano, may mga ispekulasyon na nga na kinasal na ng pribado ang dalawa.

Ayon din sa lumabas sa naturang website, sa The Farm at San Benito raw ito naganap.

Parehong quiet pa sina Jessy at Luis tungkol dito. Wala rin anumang updates sa kani-kanilang social media accounts.

Pero kung sakali man na nagpakasal na sila privately, hindi naman na nakakagulat dahil noong December, inilabas na nila ang kanilang engagement sa Amanpulo, kasunod nito ay ang controversial na engagement ring nila.

Binasa namin ang comments ng mga netizens, e, kahit netizens, parang wala na rin pagkagulat. In fact, bukod sa may nakapansin nga sa pink suit ni Luis na “Lakas maka-Fight for my Way” raw na K-drama ni Park Seo Joon, halos pare-pareho ang mga comments.

There’s no such thing as secret marriage raw, private, yes. At parang alam na talaga ng netizens ang galawan ngayon lalo na ng mga celebrities.

Kung totoo nga raw na ikinasal na sina Jessy at Luis, isa lang daw ang hihintayin, ang announcement nila na mapapanood na ito sa kanilang YouTube channel.

Sey ng mga comments, “abangan mo sa YT. Syempre pagkakakitaan nila yan.”

“Sus. Para i-anticipate ang video sa Youtube.”

“Para sa vlog ni Jessy unang lumabas. Baka sakali dumami viewers and subscribrs nya.”

Pero may mga natutuwa rin naman sa dalawa kung kasal na nga. May nagsabi pang “Hala Luis, wala ka ng kawala ngayon.”

At mga, “ano naman kung i-vlog at pagkakitaan nila?”

Hiwalayang Julia, Gerald inaabangan ng mga fan

Nabasa namin na marami rin namang kapwa mga celebrity nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang masaya para sa dalawa at tila kinikilig ngayon out in the open na ang relasyon nila.

Timing sa birthday ni Gerald noong Linggo ang pag-amin ng dalawa. Naging visible na si Julia na kasama ni Gerald sa gift-giving nito at malaya na rin si Julia na mag-post ng intimate message sa boyfriend.

Pero, sa kabila ng pag-amin nila, bakit ba tila ang dami pa rin talaga na “nega” sa relasyon ng dalawa.

At dahil nagkaroon ng mga ‘meme’ tungkol sa mga actress na na-link kay Gerald na halos lahat ay endorser ng iba’t ibang shampoo brands, may netizen na nagtanong sa IG post ni Julia nang, “pang-ilang shampoo ka na?”

May tahasan pang nag-comment kay Julia nang, “Sana all fineflex Hahahaha sana di mo na dineny noon girl, jusq.”

“I still remember how she denies everything.”

At ang ina-assume nga na sagot ni Bea Alonzo sa naging pag-amin ni Gerald, ang daming nag-reply sa IG post ni Julia nang, “The ultimate truth teller.”

Katulad nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, aba, may nagtataning na rin sa relasyon ng dalawa na kesyo magbi-break din daw.

Naku naman, mukha namang happy talaga sila together, so, hayaan na rin natin na maging masaya ang dalawa. Mukhang masaya na rin naman si Bea sa kung ano man sa lovelife niya ngayon.

Dahil sa Kapatid:

Kapuso, Kapamilya ‘war’ nabuhay

Huling Linggo na pala ngayon ng GMA Telebabad na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Kaya naman tutok lahat sa magiging ending ng pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez, gayundin nina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

Then, ang Love of My Life naman, nasa huling dalawang Linggo naman na ang intense ng bawat episodes, sa true lang.

Simula ngayong Lunes, parang tapatan muli ang Kapuso at Kapamilya. ‘Yun nga lang, sa ibang network na napapanood ang mga serye ng ABS-CBN at dito malalaman kung kahit nasa TV5 na ito, talagang susundan pa rin ng mga manonood, kasama na kasi ang highest-rating and long-running primetime series na Ang Probinsyano.

Pero mukhang hindi nauubusan ng pambala ang Kapuso network. Magtatapos man ngayong Linggong ito ang Anak ni Warat vs. Anak ni Biday, inaabangan na ang papalit dito na “My First Yaya.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.