Una sa Balita

Jessy kasal na kay Luis?

0 6,397

Ang lucky mo, Luis Manzano! Ganiyan ang sigaw ng mga fan ni Luis sa latest photo nila ni Jessy Mendiola.

Ang bongga kasi ng photo na nasa swimming pool sina Jessy at Luis. Karga-karga ng binata ang dalaga sa tubig at kitang-kita ang kaligayahan sa mukha nilang dalawa.

Ang kakinisan ng balat ni Jessy ang napansin ng mga fan. At doon pa lang daw, parang nanalo na sa lotto si Luis.

Sabi nga, hindi na dapat pakawalan ni Luis si Jessy, dahil lahat ng katangian ng isang babae, maganda, seksi, makinis, na gustong-gusto ng mga lalake, taglay-taglay ni Jessy.

Pero, marami ang naintriga sa komento ni Luis sa komento ni darthzari (Zari Sabelita na common friend nila ni Jessy) na…

‘Eh kung (engagement ring) na kaya?’

Meaning, mas maganda kung mag-propose na si Luis kay Jessy, o yayain na nitong pakasalan ang girlfriend niya.

Ang sagot ni Luis…

“@darthzari – what if tapos na? 😉 hahahahahaha!”

Oh, ‘di ba? Idinaan sa biro, pero may himig ng katotohanan. At malay nga naman natin, baka sa trip nilang ito sa naganap ang wedding proposal, ‘di ba?

Kaya ang hirit naman ulit ni darthzari

“@luckymanzano Then magtatampo ako sa inyong dalawa kasi wala kayong sinabi. @senorita_jessy.”

Oh, well…

Ang kasunod na reply ni Luis ay hindi na ako sure kung para sa kasal na ba ang imbitasyon niyang ‘yon sa kaibigan na si Zari.

“@darthzari — hahahaha don’t worry, you’ll be there:)”

Kaya ang mga fan nina Jessy at Luis, super nagbunyi talaga sa nabasa nilang ito. Yes, tanggap na ng mga fan, at gusto na talaga ng mga fan na sina Luis at Jessy ang magkatuluyan.

iammarkgil ‘Kasalan na po yan.’

clang_fernando ‘Shitttt for real kuya @luckymanzano.’

moniquemangente ‘Ang tamis!’

chineebits ‘Yung kutis ni @senorita_jessy ang sarap sugatan! Bakit sobrang kinis! Sobraaaang ganda talaga. Lucky you, Lucky! Oops. Redundant! @luckymanzano.’

giyanpahardo ‘Ang sexy mo @luckymanzano Lodi.’

francesca_almeda ‘Ganda na sexy pa.’

akangbakang ‘You both look so happy together. That’s a good sign.’

m_a_r_i_c_r_i_s ‘love dis picture!’

i_love_marcus24 ‘@senorita_jessy perfect body. My idol. How to be you :-)’

isidro_patacsil ‘Wow. So lucky boy.’

kimerikabas ‘The sweetest couple @senorita_jessy @luckymanzano.’

Well, sana nga ay true na. Sana nga ay matupad na ang wish ni Ate Vi (Cong. Vilma Santos) na magkaapo na. (Dondon Sermino)