Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy hindi nagsasawa kay Luis

0 476

Sinigurado ni Jessy Mendiola na magtatagal pa nang mahigit sa apat na taon ang pagmamahalan nila ni Luis Manzano. Ito ang isinulat ni Jessy sa caption ng 4th anniversary nila ni Luis, kalakip ang throwback photo nila na magkasama sa Batangas.

Makikita sa larawan ang tamis ng lambingan at parang mga love bird na nagtutukaan ang dalawa.

“4 years and counting,” ang say ni Jessy, malinawag na paninigurado niya na tatagal pa ng ilang taon ang pagmamahalan nila. Meaning, hindi nagsasawa si Jessy sa pagmamahal at kakulitan ni Luis. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.