Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy, Enchong binuking na naagawan ng proyekto nina Anne, Gerald

0 53

Si Jessy Mendiola pala ang dapat gaganap na Dyesebel sa ABS-CBN.

Pero, napunta nga ito kay Anne Curtis noon.

At ang guest niya sa YouTube content niya na, ‘Mukbang + Bukingan with Enchong Dee’ naganap ang chikahan nila.

Makikita nga ang sobra-sobrang closeness ng dalawa, na kahit ilang taon na raw silang hindi nagkikita, masaya sila at wala pa ring pagbabago sa friendship nila.

Anyway, semi-love team nga sina Jessy at Enchong dahil marami silang nagawang proyekto. At dito nga nasambit ni Enchong na dapat ay sila ni Jessy ang magkasama sa ‘Dyesebel’.

“Dapat may gagawin pa tayo, Dyesebel? Di ba, tayo dapat `yon?” sabi ni Enchong.

“Oh, my God!” sabi ni Jessy.

“I was so excited during that time!” sambit pa ni Enchong.

“Alam mo bagay ka dapat doon sa soap na `yon!” sabi ni Jessy.

“Akala ko rin, eh!” sabi ni Enchong sabay tawa.

“Ako rin eh, akala ko bagay ako maging mermaid. Hahahaha! Pero, siyempre… Tara kain na lang tayo…” saad ni Jessy na nag-iiyak-iyakan.

“Napalitan po kami. Charot! Hahahaha!” giit ni Jessy.

“Pero past is past!” say pa ni Jessy.

“Di ba, may kasabihan tayo, na hindi tayo sigurado, doon sa ginagawa natin unless umeere na siya. It’s part of the process,” sabi ni Enchong.

Anyway, napunta nga kina Anne Curtis, Gerald Anderson, Sam Milby ang Dyesebel.

Ginawa ang teleserye na `yon noong 2014. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.