Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy buntis? Luis humirit ng pang-baby kay Ate Vi

0 891

Mahihirapan si Cong. Vilma Santos na magparetoke ng mukha, o katawan, o ‘yung tinatawag na beauty enhancement, dahil kontra ang kanyang bunsong anak na si Ryan Christian.

Sa YouTube vlog ni Ate Vi, ang “Luis vs. Ryan: Who knows me better + heart-to-heart talk”, isa sa tanong ng Star for All Seasons ay kung papayag ba ang dalawa niyang anak kung magpapa-enhance siya ng ganda o magpaparetoke.

Umaayaw si Ryan at sinabi nitong wala nang kailangangan baguhin pa sa itsura ni Ate Vi, dahil maayos naman ito hanggang ngayon. Kahit “botox” ay ayaw pumayag ni Ryan.

Sabi naman ni Luis, payag siya kung ano ang makakapagpa-satisfy sa nanay niya o makakapagpasaya rito.

Nasa mukha ni Ate Vi ang panghihinayang sa pagtutol ng kanyang bunso, pero sabi niya, bahala na sa mga susunod na mga taon.

Nagulat lang si Ate Vi sa hinihinging regalo ni Luis, sa pag-aakalang buntis ang misis nitong si Jessy Mendiola.

Mga gamit sa baby ang gustong regalo ni Luis, na nagpatulala kay Ate Vi, kaya ang tanong nito agad kay Jessy ay kung buntis na ito.

Kumalma lang si Ate Vi sa narinig na sagot ni Jessy. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.