Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessy bet ‘hiwalayan’ si Luis, Daniel, Derek type dyowain ni Ate Vi

0 212

Sa thumbnail, teaser pa lang ng YouTube channel ni Jessy Mendiola, alam mong nanghihikayat na agad na dapat itong tutukan, dahil maintriga nga ang eksena sa ‘Dyodyowain o Totropahin’ content, na kung saan ay sinasabi ni Jessy na ‘hihiwalayan’ niya si Luis Manzano para kay…

Anyway, guest nga sina Luis, ilang kasamahan sa bahay, at kay Cong. Vilam Santos Recto, na sa simula pa lang ay nagsabi na agad na…

“Parang nahihiya ako, kasi sa edad ko parang hindi na bagay kung sino ang dyodyowain ko o totropahin ko?”

Pero, noong narinig niya ang name ng crush niya na isa nga sa kasama, napa-‘Oh my God’ si Ate Vi, at na-excite nang husto.

Anyway, dyodyowain ni Ate Vi sina Pierce Brosnan, Brad Pitt, George Clooney,

“Sino naman ang aayaw na dyowain sila? Lahat naman ng mga binabanggit, dyodyowain talaga,” sabi ni Ate Vi.

Kantiyaw ni Luis kay Ate Vi, “Mom wala ka pang tinotropa, ha!” na tinawanan lang ng aktres-politiko.

Pero siyempre, totropahin ni Ate Vi sina Piolo Pascual, Coco Martin, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Aljur Abrenica, Xian Lim.

Hindi pa raw nakakatrabaho ni Ate Vi si Coco, at bet niya itong makasama.

“Hindi pa ako naging guest,” sabi ni Ate Vi sa ‘Ang Probinsyano’, na pinu-push nga ng mga kasamahan niya na sana ay maging guest din siya tulad ni Sharon Cuneta.

Wish din ni Ate Vi na makatrabaho si Jericho, at makatrabaho uli si Lloydie.

Pero ang nakakaloka, nang mabanggit si Hyun Bin, biglang tili ni Ate Vi, ‘Dyowa!’

“Guwapo talaga. Gwapito. Dyowa talaga! In love na in love ako sa character niya!” sey pa niya.

Pero siyempre, nakakaaliw rin din na pati si Jessy, gustong dyowain si Hyun Bin.

“Crush ko na siya sa ‘Crash Landing On You’. Meron pa siyang isang series na napanood ko.

Pero noong mabanggit ang pangalan ni Gong Yoo, nauna namang tumili si Jessy, at nagsabing, ‘Dyodyowain!’

“Hindi ka man lang nagbilang ng ilang seconds bago sabihin ang dyodyowain?” reklamo ni Luis.

“Dyodyowain ko rin siya!” sey ni Ate Vi noong na-realize niya na si Gong Yoo ang bida sa ‘Train To Busan’.

Pero, heto nga ang nakakalokang hirit ni Jessy, “Hihiwalayan kita (Luis) para sa kanya!” na ikinagulat ni Luis.

“Mamaya maririnig mo ang statement ko!” saad ni Luis.

“Alam mo love (tawag niya kay Luis) kung bakit ko siya crush, kasi naaalala kita sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? May bawi ako doon, ha!” sabi ni Jessy.

“Naku, muntik ko na siyang sakalin anak!” sabi naman ni Ate Vi.

Anyway, sina Derek Ramsay, Daniel Padilla ay pasok sa panlasa ni Ate Vi na dyowain. Si Derek, dahil sinabi nga nito na gusto siyang makatrabaho, at si Daniel, dahil nakikita raw niya kung paano alagaan si Kathryn Bernardo.

Bongga si Ate Vi, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.