Una sa Balita

Jessie J. nabaliw sa TNT Boys

By
0 751

Muling napahanga ng TNT Boys ang buong bansa dahil sa kanilang performance sa Your Voice Sounds Familiar kung saan bonggang-bongga nilang kinanta ang Bang Bang nina Jessie J, Ariana Grande at Nicki Minaj.

Talaga namang mga mini me sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez ng tatlong sikat na singer na kahit ang mga kilos nito ay kopyang-kopya ng TNT Girls…ay TNT Boys pala.

Sa sobrang paghanga ni Jessie J na siyang nakakita sa video nang tatlo ay nagbigay pa ng mensahe saying na hangang-hanga nga siya sa mga bagets, at mas maganda pa raw ang version nito sa kanila, huh!

Abante Hiring – IT dep

Coming from Jessie J herself, aba, malaking karangalan ito sa tatlo na never failed to slay their performances week after week.

Sey nga ng naging kaibigan din ni KZ Tandingan, “I think the TNT Boys from the Philippines are incre­dible. I’m obsessed with them.

“They are so sweet and talen­ted. Their Bang, Bang, they’re better than us.”

O, ‘di ba? Wag naman sana itong ikalaki ng ulo ng tatlo, noh!

Pero, sa totoo lang, ang trio na ito ay malaki ang potential to go international katulad nina Jake Zyrus, Lea Salonga at iba.

Pinahanga na nila ang buong mundo nang mag-guest sila kay Ellen Degeneres at sa show ni Steve Harvey, kaya, break na lang talaga ang kailangan nila sa international scene.

Well, sabi nga, ‘Kung uukol ay bubukol”, devah?

Wait, wait lang mga hija, noh!