Una sa Balita

Jessie J dedma sa mga text ni KZ Tandingan

By
0 3,038

Wala pang nakakaalam kung pagbibigyan ba ni Jessie J ang wish ni KZ Tandingan na maging special guest niya ito sa kanyang upcoming concert. Hindi itinanggi ng Kapamilya singer na kung ilang beses na rin niyang tinext si Jessie kung puwede ba ito, pero up to now, wala pa siyang natatanggap na reply.

Pero, ayaw niyang mawalan ng pag-asa dahil wala pa naman siyang natatanggap na pagtanggi nito. Malay nga natin kung bigla na lamang itong sumulpot bago ang kanyang concert, devah?

Naging close ang dalawa dahil nga sa kanilang stint sa Singer 2018 na pinagwagian naman ng international singer, kaya malakas din ang loob niyang imbitahan ito.

Pero, siguro naman ay handa rin ang kanyang loob kung sakaling tanggihan siya ni Jessie J dahil sa super-busy rin ito sa kanyang sariling career.

At hindi ganun kadali ang basta na lang umoo sa parte niya dahil mahaba pa ang prosesong gagawin para siya ay mapagbigyan dahil may namamahala rin sa career ng international singer, noh!

Anyway, mukhang ganado na naman si KZ sa kanyang singing career matapos nga ang kanyang laban sa Singer 2018 dahil aminado ito na minsan na ring dumating sa punto na gusto na niyang mag-quit sa pagkanta.