Una sa Balita

Jessica Sanchez, Morissete nagsapawan sa ASAP

By
0 1,794

Marami ang nag-react sa naging duet ng dating American Idol finalist na si Jessica Sanchez at ang Kapamilya singer na si Morissette Amon nitong Sunday sa ASAP kung saan kinanta nila ang Stone Cold ni Demi Lovato.

Ayon sa mga bashing kay Morissette, pilit nitong sinapawan ang katulad niyang­ biriterang si Jessica para mapunta sa kanya ang spotlight.

Ayon sa mga komento, feelingera raw si Morissette na starlet naman, halata raw na tinatalbugan nito ang kanilang international idol, pabida raw masyado kay Jessica at kung anik-anik pa.

Trending topic ang duet na ‘yun, pero umani rin nga ng maraming nega comment against the homegrown talent ng ABS-CBN.

Pero, sa kabilang banda, meron namang nagtanggol kay Morisette saying na wala silang nakitang masama sa duet nila.

Ginawa lang daw nito ang dapat niyang gawin sa piyesang nakatoka sa kanya, at walang intensiyon na sapawan ang American Idol finalist.

Bongga nga raw ang showdown ng da­lawa na nakakapagpatindig ng balahibo dahil sa vocal powers nila.

Anyway, ang maganda ay muling nakita ng mga faney si Jessica na matagal na ring na-miss na wishful thinking nila ay manatili na rito sa ‘Pinas.

Oo nga naman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy