Jessica Sanchez kakanta para sa Democrats
Muling eeksena ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez matapos itong kunin para mag-record ng kantang “Stronger Together,” na anthem sa Demoratic National Convention (DNC) sa Hulyo 28 sa Philadelphia.
Ang ‘Strong Together’ ay komposisyon nina Carole Bayer Sager, Bruce Roberts at Kenneth ‘Babyface’ Edmonds para kay US presidential candidate Hillary Clinton.
Sabi ng American Idol runner-up sa isang interview ng Billboard hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok na kumanta ng anthem ng democrats.
Related Posts
“It was so last minute. I went in the studio, they mixed it that night and they sent it out the next day.” It’s crazy to me, because I didn’t think it was going to happen that quick,” ayon sa Fil-Am singer.
“Honored to do this song for @HillaryClinton and the #DNC,” ayon sa twitter ni Sanchez.
Dati nang nag-perform si Sanchez sa DNC noong Setyembre 2012 para naman kay US President Barack Obama.