Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jessica, Korina pinugutan ng ulo, pinaglaruan sa socmed

0 249

Ginawang katatawanan ang mga larawan nina Jessica Soho at Korina Sanchez. Nagkalat ang mga meme ng dalawa na may kaugnayan sa kontrobersyal na RC Cola ad.

Nagbidahan ang mga netizen sa kanilang tweet na i-edit ang larawan nina Korina at Jessica.

Sa RC Cola ad ay tinanggal ang ulo ng bidang babae at lumitaw ang bote ng RC cola. Ganun ang ginawa ng mga netizen sa mga larawan nina Korina at Jessica.

Unang nag-tweet si @abegelisms na pinoste ang pugot na ulong larawan ni Jessica na may nakapatong na Soju. Pinangalanan itong Jessica Soju. Inilagay ang ulo ni Jessica sa mga kamay nito para sa pagkilanlan sa larawan.

Sa larawang pugot ang ulo ni Korina, nakapatong naman ang bote ng sunkist. Pinangalanan itong Korina Sunkist. Ipinahawak din sa kamay nito ang kanyang ulo para pagkilanlan.

Tawa nang tawa ang mga nag-comment sa mga larawan. Viral ang mga nasabing photo at tiyak na gagayahin ito ng iba.

Paolo dinilaan ang nota cake

Hindi inalintana ni Paolo Ballesteros ang kanyang imahe bilang isang host ng “Eat Bulaga” at pagiging isa ring wholesome TV personality, nang iposte niya sa Instagram ang larawan na akmang pagdila niya sa hugis ari ng lalake na cake na hawak niya.

Birthday ni Paolo kamakailan at isa sa kinaaliwan niyang regalo ay ang kink cakes na may disensyong ari ng lalake. Hindi lang isa kundi tatlong larawan pa ang nakaposte sa IG ni Paolo na aktong dinidilaan nya ang hugis ari na cake.

SM food to go Banner Ad

Nasa background pa sina Maine Mendoza, Wally Bayola at Alden Richards na tumatawa sa itsura ni Paolo.

Sa mata ng iba may kahalayan ang itsura ni Paolo kahit na nga self-confessed beki ang TV host, pero para sa mga follower niya ay aliw na aliw sila sa naging pagturing ng aktor sa cake, na syang mababasa sa mga comment.

Ken Chan hirap magpaputok

Gagawing action star ng GMA 7 si Ken Chan sa bagong seryeng pagbibidahan niya. Mapapanood sa IG ni Ken na bumabaril siya ng isang automatic rifle.

Halatang first time ng aktor na bumaril ng rifle dahil umuuga ang kanyang katawan sa bawat pagputok niya. May nakasuportang kamay sa kanyang likod para hindi matumba si Ken sa lakas ng impact ng baril.

Aminado si Ken na hindi biro at ibayong training ang dapat niyang gawin para bumagay sa itinuturing nyang mapanghamon na role sa buong karera nya sa acting.

Anyways, “Ang Dalawang Ikaw” ang title ng serye base sa post ni Ken.

Liza inspirasyon ang namatay na tita

Nagluluksa ngayon ang buong pamilya ni Liza Soberano sa pagyao ng kanyang tiyahin na si Cornelia. Kasabay ng throwback post ni Liza sa kanyang Instagram ng mga larawan nila ng tiyahin sa ospital, ang mensahe nitong “rest easy” para sa kanyang tita.

Sa kanyang mensahe isang inspirasyon para sa aktres ang kanyang kaanak na nabanggit. Ipinagpapasalamat ni Liza ang pagkakataong nakausap pa niya ang tiyahin sa mga huling sandali nito sa mundo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.