Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jerwin takam sa bugbugan

0 312

Dalawang beses naudlot ang mandatory title defense ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas kay Mexican Jonathan Rodriguez.

Kaya naman nais na nitong sumalang sa lona upang makipagbugbugan.

Pakay ni 29-year-old Ancajas na ikasa ang unification bout laban kay Japanese fighter Kazuto Ioka.

Unang nakansela ang laban ni Ancajas noong Nobyembre 2019, nagkaproblema sa visa si Rodriguez at muling naudlot noong Abril 2020 dahil naman sa pag-atake ng coronavirus (COVID-19).

Kasalukuyang hawak ni Ioka ang World Boxing Organization (WBO) super flyweight title.

Nais din ni Ancajas na makalaban si World Boxing Association (WBA) super flyweight titlist Joshua Franco.

Samantala, nasa Amerika si Ancajas kasama nito si Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.