Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jerwin sugod sa Amerika

0 141

TULOY na sa paglipad patungong Amerika ngayong Miyerkoles si IBF bantamweight champion Jerwin Ancajas matapos maayos ang kanyang US visa para makapaghanda sa kanyang inaasahang laban sa huling bahagi ng taon.

Noong Abril, nakatakda sanang lumaban si Ancajas kontra kay Javier Rodriguez ngunit dahil sa global health pandemic ay naudlot ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makakasama ni Ancajas pa-Amerika si trainer Joven Jimenez.

“We have a mandatory (fight) still with the IBF with Jonathan Javier Rodriguez. But if something happens, a unification would come up with the WBA champion Joshua Franco, that’s on the table also,” lahad ni MP Promotions president Sean Gibbons sa online press conference kasama ang Big Boss Cement.

Kuwento pa ni Ancajas, matindi ang kanilang ginagawang training at sparring. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.