Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jerwin subsob sa training

0 101

DIRETSO sa pagpapakondisyon si Jerwin Ancajas para depensahan ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight title.

Kasama niyang nagpapakahasa sa Wild Card Boxing Club ang mentor ni Pinoy boxing ring icon Manny Pacquiao na si Freddie Roach.

Magugunitang limang buwan nang nasa Tate si Panabo-pride boxer kasama ang trainer niyang si Joven Jimenez ngunit wala pa itong paspasang training dahil sa patuloy na kanselasyon ng upakan nila ni Mexican Jonathan Rodriguez.

Pahayag naman ni Jimenez, nasa mabuting kondisyon ang 29-anyos boksingero.

SM food to go Banner Ad

“Jerwin is in good condition already,” saad nito.

Hawak ni Ancajas ang 31-1 win-loss record habang ang makakatunggaling si Rodriguez ay bitbit ang 22-1 kartada.

Wala pang opisyal na araw ang kanilang sabong pero may umuugong na matutuloy ang kanilang sagupaan sa darating na Abril. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.