Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jerwin paplantsahin rematch kay Martinez

0 176

NANINIWALA si Manny Pacquiao (MP) Promotions president Sean Gibbons na kabilang pa rin sa mga tigasing boksingero sa buong mundo si Pinoy fighter Jerwin Ancajas kahit pa naagaw ang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight belt nito kamakalawa.

Kinapos si Ancajas na maidepensa sa ika-10 pagkakataon ang kanyang IBF junior bantamweight crown.

“One bad fight doesn’t define his career,” simpleng depensa ni Gibbons sa Filipino former world champion.

Nitong Linggo lang kasi ay yumuko si ‘Pretty Boy’ Ancajas kontra Fernando Daniel Martinez via unanimous decision 117-111, 118-111, 118-111.

Dahil sa pagka-olats ni Panabo-pride boxer Jerwin ay naagaw sa kanya ng Argentinian boxer ang matagal na niyang inaalagaang IBF belt mula pa noong taong 2016.

Posible namang humirit ito ng rematch kay Martinez para mabawi ang belt at matupad ang asam niyang unification bout kontra Japanese world titlist Kazuto Ioka. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.