Una sa Balita

Jerwin, Jonathan tuloy ang upakan

0 255

TULOY na ang naudlot na bakbakang Jerwin ­Ancajas kontra Jonathan Javier Rodriguez sa dara­ting na Pebrero 22 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Matatandaang naudlot ang bakbakan ng dalawa nitong 2019 matapos pumalya ang Mexi­can fighter sa pagkuha ng kanyang US Visa.

Pero imbes na umuwi pa ng ‘Pinas ang 28-anyos na Pinoy boxer habang ipinoporma ang nakatakda nilang bangasan ng mukha sa boxing ring ni Rodriguez ay nanatili ito sa California upang mag-ensayo at paghandaan ang alternatibong laban niya kontra Chilean Miguel Gonzalez kung saan pinatumba niya ito sa 6th round.

Kasalukuyang tumitimbang ng 135 pounds si Ancajas ngunit hindi naman ito magiging hadlang sa pagkamit ng division limit na 115 libra dahil nakaalalay naman ang kanyang nutritionist/dietitian na si Jeaneth Aro.
Hawak ngayon ni Jerwin ang 32-1-2 panalo-talo-tabla na kartada kasama na ang 22 knockouts. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More