Una sa Balita

Jersey ni Carter ninamnam ni Irving

0 290

DALAWANG buwang nagarahe si Kyrie Irving habang nagpapaga­ling mula injured right shoulder.

Sa unang tapak sa court nitong Linggo, parang hindi kinalawang ang All-Star point guard nang kumana ng career-best shooting night na 10 of 11 mula sa floor.

Umiskor si Irving ng 21 sa loob lang ng 20 minutes at nilampaso ng Brooklyn Nets ang Atlanta Hawks, 108-86.

Hindi na iniintindi ng Brooklyn fans ang iskor, sumabog ang palakpakan nila nang magsalpak ng dalawang 3-pointers si Vince Carter sa fourth.
Naka-4 ½ seasons din siya sa Nets noong nasa New Jersey pa ang prangkisa at pangatlo sa scoring list ng Nets.

Lumaki si Irving sa New Jersey na fan ni Carter at ng Nets. Nasa bag pa raw niya ang jersey ni Carter.

“That was a kid’s dream to go see Vince Carter and Jason Kidd play, but specifically Vince Carter. He used to do some amazing things,” balik-tanaw ni Irving. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More