Una sa Balita

Jeric walang kredibilidad

By
0 11,879

Magkasunod na araw na umamin sina Diego Loyzaga at Jason Aba­los tungkol sa scandal na kinasasangkutan nila. Unang umamin si Jason sa presscon ng GMA 7 para sa The One That Got Away noong Biyernes.

“Tao lamang na nagkakamali,” ang walang paligoy-ligoy na sagot ni Jason na kahit hindi umamin, alam ng tao na siya ang tampok sa private videos dahil malinaw na malinaw ito.

Bukod kay Jason, nasangkot din sa vi­deo scandal si Jeric Gonzales na inamin ang katotohanan sa interview namin sa kanya sa presscon ng Oh My Mama! ng GMA 7 noong September 2016.

Pero makalipas ang isang taon, iba na ang statement ni Jeric dahil sa sinabi nito sa presscon ng Kambal, Karibal noong November 21, 2017 na nakaranas siya ng depression sa unproven cyber scandal na ibini­bintang sa kanya.

Marami ang nangyayari sa isang minuto, lalo na sa isang taon kaya hindi natin masisisi si Jeric sa biglang pagbabago ng kanyang mga pahayag.

Sa kabila ng pagkontra ni Jeric sa sa­rili na nakaapekto sa kredibilidad niya, naniniwala pa rin kami na isa siya sa mga artista ng GMA 7 na dapat bigyan ng malaking break dahil leading man material siya.

Kung may mga nagsasabi na hindi pa rin masyadong maru­nong umarte si Jeric kaya hindi pa ito nagbibida sa mga teleserye ng Kapuso Network, napag-aaralan naman ang pag-arte tulad ng nangyari kay Jameson Blake na aminado na walang talent.

Jameson aminadong walang talent

Jameson Blake

Wala talaga akong ta­lent. I’m a fast learner,” ang statement ni Jameson Blake nang makausap namin siya sa press launch ng Mama’s Girl.

Bibihira ang mga baguhan na artista na kagaya ni Jameson na walang takot na umamin na walang talent sa pag-arte, pagkanta at pagsa­yaw pero naging artista.

“Fast learner talaga ako. Wala akong talent, I just learned. Mabilis naman akong mag-improve. Fast learner ako so work on it, work on it.

“Before, never ko naisip na mag-artista. Sinasabi lang ng mga friends ko ‘Ba’t hindi mo i-try mag-audition sa PBB? May potens­yal ka naman.’

“Ganoon lang pero sa isip ko, never ko naisip na gusto ko. Siguro, it just passed my mind. Mahiyain ako dati.
“Nang pumasok ako sa PBB, wala talaga akong talent. Sa mga beatbox lang pero ‘yung singing, dancing, acting, wala. Walang confidence. Sabi ko hindi ko kaya, motivation lang lahat,” ang kuwento ni Jameson na hindi nagpapanggap na magaling na aktor pero nanalo ng ac­ting award, kahit sinasabi niya na ta­lentless siya.