Una sa Balita

Jeric tuloy ang training para sa teleserye nila ni Eddie

0 369

abante-talbog-joe-barramedaUmaasa pa rin si Jeric Gonzales na matutuloy pa rin ang pagsasama nila ng idolo niyang si Eddie Garcia. Patuloy na nagdarasal si Jeric na malagpasan ng movie icon ang sinapit niya.

Puspusan pa rin ang training niya sa mga action stunt na gagawin niya sa upcoming teleserye nila. Seryoso si Jeric sa bagong role na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7.

Ken, Rita pasok sa ‘Studio 7’

Simula ngayong gabi ay mapapanood na ang paboritong music tambayan na “Studio 7.” Mapapanood na rin ang mga bagong segment ng programa na “Duet With Me” kung saan ay dalawang contestant ang magtatapatan sa biritan.

At ngayong gabi, ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang unang sasalang at makakalaban ng mga contender.

Bukod dito, iwe-welcome rin ng “Studio 7” barkada sina Ken Chan at Rita Daniela sa programa.

Carmina, Mavy, Cassy may Father’s Day pasabog kay Zoren

Extra special ang episode ng “Sarap ‘Di Ba?” this Saturday (Hunyo 15) dahil makakasama ng mag-iinang sina Carmina Villarroel, Cassy at Mavy Legaspi ang kanilang lovable daddy na si Zoren!

Bukod kay Zoren, makikisaya rin ang mag-amang sina Benjie at Andre Paras para sa Father’s Day episode ng programa. Ano-ano kaya ang mga inihandang sorpresa nina Carmina, Mavy at Cassy para kina Zoren at Benjie? ‘Yan ang dapat abangan sa “Sarap ‘Di Ba?” ngayong Sabado ng umaga sa GMA-7.

Trabaho ni Dingdong kinaiinggitan

Nakakainggit ang trabaho ni Dingdong Dantes bilang host ng top-rating infotainment program ng GMA-7 na “Amazing Earth.” Bukod kasi sa marami siyang natututunan tungkol sa Planet Earth, linggo-linggo ay nagpupunta rin siya sa pinakamagagandang tourist spots at protected areas sa Pilipinas.

Sa katunayan, sa nalalapit na unang ani­bersaryo ng “Amazing Earth” ay lumipad pa si Dingdong kasama ang production team ng show sa Palawan. Ayon sa Primetime King, “‘Yung mga discovery na ganoon linggo-linggo ay nakakatuwa dahil kahit na may iba akong ginagawa sa TV, bina-value ko ito kasi educational and at the same time nae-enjoy ko. Parang nagbabakasyon lang ako every week.”

Napapanood ang “Amazing Earth” tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng “24 Oras Weekend” sa GMA-7.

Aicelle pinarangalan sa Equality Ball

Overwhelmed ang Kapuso artist na si Aicelle Santos dahil isa siya sa itinanghal na Global Pinoy Awardee sa Mega Equality Ball. Ito ay pagkilala sa kanyang international achievements tulad ng pagganap sa role ni Gigi sa West End production na “Miss Saigon” at ang pag-represent niya sa bansa sa katatapos lang na Asian Culture Carnival sa Beijing, China. Very proud and happy ang “Studio 7” mainstay sa parangal na ito at pinaghahandaan na nga niya ang pagpunta sa Vietnam ngayong Hulyo para sa ASEAN Song Festival 2019.

Heart, Max, Thia, patalbugan sa ‘Ball’

Agaw-pansin ang mga Kapuso star na dumalo sa star-studded Mega Equa­lity Ball recently. Scene-stealer talaga ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa kanyang gold, sparkling, at off-shoulder gown na gawa ni Mark Bumgarner.

Head-turner din ang “Bihag” lead star na si Max Collins sa kanyang pink gown mula sa designer na si Elize Padilla. Lumutang din ang ganda ng “Glow Up” host na si Thia Thomalla sa kanyang sequined and v-neck gown at siyempre hindi nagpahuli ang Global Pinoy Awardee na si Aicelle Santos sa kanyang gold gown!

Present din sa event ang Kapuso heartthrobs na sina Derrick Monasterio at Ruru Madrid. Nagsama-sama silang lahat para sa advocacy na magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng Pilipino, regardless of gender, race, status, and beliefs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy