Una sa Balita

Jeric, Pauline hindi pa magdyowa

By
0 235

Itinanggi ni Jeric Gonzales na ang girlfriend niya ay ang kapwa Kapuso star na si Pauline Mendoza. Aware raw siya na talagang sila ang nababalitang magkarelasyon. Nagkasama silang dalawa sa “Kambal Karibal” though, ang naging ka-loveteam niya ay si Kyline Alcantara.

Pero, ang balita, sila naman talaga ni Pauline.

“Eh, ‘yun nga ‘yung tinatanong lagi. Kami raw ni Pauline. Pero hindi naman tototo ‘yun. Nagkataon lang na ngayon, close kami ni Pauline kasi palagi kaming magkasama.

Abante Hiring – IT dep

“At saka, bata pa si Pauline. Focus muna kami sa mga gusto pa naming gawin.”

Sa isang banda, hindi namin makalimutan na bago ang sunod-sunod na proyekto ni Jeric ngayon sa Kapuso na as in, sunod-sunod, naalala namin na may times na tila nainip din siya or nag-alala rin siguro dahil naging matagal ang follow-up ng serye niya from his last.

Ito ‘yung bago siya mag-”Super Ma’am” then, nilipat siya sa “Kambal Karibal” at ngayon nga, heto at nasa “Ika-5 Utos” siya na isa sa mga bida. Obvious ang saya ni Jeric sa ngiti nito nang makausap namin sa presscon.

Sey niya, “Siyempre blessing talaga. Nagpapasalamat talaga ko and ito naman talaga ‘yung gusto ko, ‘yung trabaho lang talaga.”
Napatunayan nga raw niya na may magandang plano rin talaga sa kanya ang GMA. Kakapirma lang din daw niyang muli ng kontrata noong July.

“Napakagandang break nito sa akin, itong “Ika-5 Utos”. And yun nga, may magandang plano pala ta­laga sa akin ang GMA, I’m very thankful.” (Rose Garcia)