Una sa Balita

Jeric nag-birthday sa piling ng special children

By
0 31

Mas pinili ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales na idaos ang kanyang kaarawan nitong nakaraang araw na kapiling ang special children mula sa Hospicio de San Jose, Manila.

Kasama ni Jeric ang grupo ng kanyang fans, ang Jeric Warriors, sa pagdalaw sa mga special children.

Nagsilbi ring way ito ni Jeric na mag-give back sa biyayang natanggap niya.

After ilang taon, nagkaroon na rin siya ng re­gular series sa GMA, ang Kambal, Karibal at paminsan-minsan, lumalabas siya sa Super Ma’am.

Naging Christmas get together na rin ni Je­ric at fans niya ang pagdalaw na ‘yon sa mga bata sa halip na magkaroon ng traditional Christmas party.