Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jeric, Mark, Baron mga bagong reyna ng Viva

0 77

Naloka ako sa itsura nina Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, Baron Geisler, Joel Torre sa pelikulang Barumbadings, na dinirek ni Darryl Yap.

Kasi nga, kilala silang mga barumbado, pero todo makeup, dress, at ang lalandi nila, ha!

Kaya nga ang tawag sa kanila ni Direk Darryl ay “Mga Bagong Reyna ng Viva” na sina Jerica Raval, Marie Antoinette Fernandez, Baroness Geisler, kasama pa si Jewel Torre o Mother Joy sa movie.

Si Joel ang gumaganap na bakla na kumupkop kina Izzy (Jeric), Jopay (Mark Anthony), Rochelle (Baron).

Anyway, sobrang nahirapan nga raw ang mga actor na ito sa shooting, dahil palagi silang naka-dress, naka-heels, at kailangan talagang kumembot nang kumembot.

Siyanga pala, kung mapapansin niyo, si Jeric ay mukhang Haponesa dahil na rin sa kanyang mahaba at maitim na buhok.

Si Mark Anthony bilang Jopay ay isag tigasing bading. Hindi siya paaapi. Maganda ang kanyang mga mata, na nagagamit niya sa kanyang pagiging sharp-shooter. Marami siyang baril sa buong katawan.

Si Baron, bilang si Rochelle, palaging may lollipop sa bibig. Tigasin at magaling sa mixed martial arts, at ginagantihan talaga ang mga kalaban niya.

Simula Nobyembre 5, 2021, mapapanood na ang “Barumbadings” sa Vivamax.

Para mag-stream, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.