Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jeremy bawal sa bansa: Pia malungkot sa pagbalik Pilipinas

0 171

Babalik na sa Pinas si Pia Wurtzbach. Ibinalita nga iyan ng beauty queen sa Instagram post ng mga video compilation ng dyowa niyang si Jeremy Jauncey, na naglalakad sa iba’t ibang lugar sa Morocco.

Pinoste ni Pia ang video para ipakita ang magagandang lugar sa Morocco sa huling araw niya roon.

Sinabi ni Pia sa reply comment niya na hindi niya makakasama sa Pilipinas si Jeremy dahil sa mahigpit na safety protocols ng bansa sa mga visiting foreigner.

Sey pa ni Pia, makakasunod lang si Jeremy sa kanya dito sa Pilipinas kapag nagluwag ang pagtanggap ng mga foreign tourist at kapag nakakuha na ng tourist visa o visit permit ang kasintahan.

Siguradong aatakehin ng separation anxiety si Pia. Mula pa noong bago mag-Pasko at hanggang matapos ang buwan ng February ay magkasama na sila ni Jeremy.

Baron ayaw patawarin ni Ping Medina

Kasama sa dasal ni Baron Geisler na mapatawad na siya ng mga taong nasaktan niya, sa panahong lutang at dumadaan siya sa mental health problem.

Nasambit ito ng aktor sa panayam ng Abantelliling sa kanya. Sumalang si Baron sa programa para pag-usapan ang mental health issue na nakapaloob sa pelikula nilang “Tililing” na prodyus ng Viva Films.

Nasa proseso ng therapy si Baron para sa kanyang mental health, at sinabi nga nitong ipinagdadarasal niyang patawarin siya ng mga taong nasagasaan at nasaktan niya, sa mga panahong nawawala siya sa katinuan dulot ng pagkalango sa alak.

Sinubukan niyang kausapin si Ping Medina at ang pamilya nito nang ilang beses pero ramdam niyang hindi pa handa ang mga ito para sa paghingi nya ng tawad.

Alam ni Baron na puwedeng madapa siya at bumalik sa dati, pero nandiyan daw ang kanyang anak at asawa na inspirasyon nya sa tuluyang pagbabago.

Andrea nilampaso sa kaseksihan si Adarna

Nagsimula na ngang ilabas ni Ellen Adarna ang matagal-tagal ding itinago niyang kagandahan, kaseksihan sa madla. Mula nga nang magkaanak siya kay John Lloyd Cruz ay hindi siya masyadong naglalabas ng alindog.

Pero heto nga, sunud-sunod ang posting ni Ellen sa Instagram ng mga glam photos niya.

Posibleng walang intensyong makipagsabong ng ganda si Ellen sa ex-girlfriend ni Derek Ramsay, si Andrea Torres. Pero ito nga ang pinakukulo ng mganetizen, lalo at panay rin ang pagbalandra ni Andrea ng mga glam-up photos niya na nagpapakita ng ganda nya.

Feeling ng marami ay may kontes ng pagandahan sina Ellen at Andrea sa socmed.

Pero, kung ganda ang pag-uusapan, halos pantay ang laban ng dalawa. At kung kaseksihan naman ang pagbabasehan, kakain ng alikabok si Ellen kay Andrea.

Di hamak nga raw na mas kaakit-akit at maalindog si Andrea kumpara kay Ellen.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.