Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jeo pukpok sa training

0 223

KAHIT sa susunod na buwan pa ang laban ay todo pakondisyon na sa Tate si World Boxing Organization (WBO) No. 8 contender Jeo Santisima.

Napaulat kasi na nasa US na ito kasama ang kanyang long-time trainer na si Michael Domingo, nagpapakondiayon na ngayon si Santisima sa sikat na training ground ni Manny Pacquiao na Wild Card Gym kasama ang legendary coach na si Freddie Roach.

Sa katunayan ay inalalayan rin si Jeo nina WBO international featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo, former world champion Marlon Tapales at International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

Nakatakdang labanan ni 25-anyos Santisima (21-3-0) si American-fighter Joet Gonzales (24-2-0) sa Pebrero 5 sa Save Mart Center sa Fresno, California. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.