Una sa Balita

Jennylyn,Dennis idinetalye ang masalimuot na nakaraan

0 1,022

Tagumpay ang kauna-unahang concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ang “Co Love Live” sa New Frontier Theater.

Kahit na ang da­ming nag-concert noong February 15 at kasabay pa nila ang 2 nights concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo na “Unified” at kahit na may ilang local concerts na hindi na natuloy, hindi nagpatalo ang first produced concert ng JenDen.

Sold-out ang “Co Love Live” at ang magandang nakita namin, hindi nag-alisan ang mga nanood hanggang tapos na. ‘Yung iba, lumapit pa sa stage at alam mong masayang-masaya sina Dennis at Jennylyn sa success ng concert nila.

Hindi rin umalis agad ang dalawa sa stage at hinayaan ang mga fan nila na batiin sila.

Ang ganda ng mga reper­toire from start to end. Totoong sa pamamagitan ng mga song ay malalaman ng tao ang simula, ang naging masalimuot na break-up nila at ang pagbabalikan nila after a few years.

Ayon kay Jennylyn, “Baka kasi noon, nakilala namin ang isa’t isa sa ma­ling panahon.”

Kinilig kami kay Dennis na ramdam naming seryosong-seryoso na talaga sa relas­yon nila ni Jen. Lalo na tuwing mag-a-I love you sa girlfriend. Since tahimik lang naman si Dennis at hindi mas­yadong makuwento, kaya parang ang precious ng ilan sa revelation ng feelings niya for Jen that night.

Sabi ni Dennis na mas lalo pa raw niyang minahal si Jen nang magkabalikan sila. Sey niya, “Everyone deserves a second chance. Mahal na mahal ko talaga ang taong ito lalo na noong nagkabalikan kami.”

Kung ang iba, hindi na naniniwala sa forever, not with Jennylyn na para rito, “There is forever kung gugustuhin natin.”

Okay din ang lineup ng guests nila at sobrang laugh trip si Alex Gonzaga. Feeling namin, nanonood ulit kami ng “Rak of Aegis” sa mag-jowang sina Jerald Napoles at Kim Molina. Ganda rin ng number ni Jay Durias at Nyoy Volante.

Ang “Co Love Live” ay ipalalabas din sa telebisyon, at grabe talaga na ang pang-finale ay si Alden Ri­chards na grabe rin ang tilian ng mga tao nang lumabas na ito.

Ayon kay Alden, fan daw siya ng dalawa. Hindi dahil mahuhusay na artista sina Jen at Dennis kung hindi dahil mabubuti itong mga tao. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More