Una sa Balita

Jennylyn wala nang kawala kay Dennis

0 502

Seryosong-seryoso talaga si Dennis Trillo sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado. Mababasa mo ‘yon sa naging sagot ng Kapamilya actor sa tanong ng “Abantelliling” sa kanya sa nakaraang birthday celebration ni Mother Lily (naganap nu’ ng August 19 sa Valencia Events Place).

Kasama ang aming partner sa show na si Dondon Sermino, napag-usapan kay Dennis ang “CoLove” YouTube channel nila ni Jennylyn­ ­na humahakot ngayon ng milyong views.

Sa obserbasyon ng “Abantelliling”, mahirap nang pakawalan ni Dennis ang relasyon kay Jennylyn dahil sa bagong social media project nilang dalawa.

Mabilis na sumagot si Dennis at nagpahayag na hindi niya iniisip na magkakahiwalay pa sila ni Jennylyn­. Sabi pa nito, malaking bagay ang love nila sa music ni Jennylyn para mas tumibay pa ang kanilang relasyon.

Kahit may mga point na may tampuhan sila ni Jennylyn, kapag may collaboration silang kanta, nawawala ang anumang maliit na isyu sa kanilang love life kapag sini­mulan na nila ang pagkanta.

Liza type tularan si Jodi

Gusto yatang sundan ni Liza Soberano ang kapwa Kapamilya star na si Jodi Sta. ­Maria­­ bilang Psychology student. Naka-post sa Instagram ang larawan nina Liza at Jodi na kuha sa Southville International­ School.

Naka-post sa IG ng Southville ang ­larawan ng dalawang aktres at sinabing “future psychologists­ on board”. Kasabay nito ang pagwi-welcome ng eskuwelahan kay Liza.

Ito ang susunod na aabangan ng mga tagahanga­ ni Liza habang wala pa itong ­project sa Kapamilya network at nagpapagaling­ pa sa kanyang operasyon.

Arci taggutom sa UP

Balik-kolehiyo rin si Arci Muñoz na ­ibinahagi niya sa kanyang IG wall. Pinost­ ni Arci ang larawan niya habang nasa likod nito ang facade ng isang building sa UP campus.

Ibinalita niya ang pagbabalik sa nasabing university sa ikalawang pagkakataon. Nagbalik-tanaw si Arci sa kanyang college days kung saan ni-isang larawan ay wala siyang remembrance rito.

Ayon sa aktres, walang camera ang gamit-gamit niyang phone.

Walang extra budget si Arci noon sa anumang luho na tinatamasa niya ngayon. Pero sabi ng aktres, masaya at makulay pa rin ang kanyang college life.

Hindi binanggit ni Arci kung ano ang kurso niya ngayon sa UP.

Pacman gumanti ng pasaring kay Floyd

Turn naman ni ­Senator Manny Pacquiao­ na pasa­ringan at inisin si Floyd ­Mayweather, Jr.

Pinoste ng boxing champ ang video ni Maywethear na nagpapasalamat at nag­­-iimbita­ ng kanyang mga fan sa pagbisita niya sa Dubai.

Sa video, maririnig sa statement ni Mayweather­ ang katagang “rematch”. Ito ang ginamit ni Manny na pang-asar kay Mayweather­ at sinabi nito sa caption na ginagamit­ na naman ng boxer ang kanyang pangalan.

Uminit ulit ang isyu sa pagitan nina Manny­ at Floyd nang akusahan ng huli ang Pinoy champ na laging ginagamit nito ang kanyang­ pangalan, lalo na nu’ng magwagi ang Senador­ sa pinakahuling laban nito.

Umalma si Manny sa mensahe ni Floyd at naghamon ng rematch.

Pinaniniwalaang gimik lang ito ng dala­wang world boxing champ para makahakot ng excitement sa posibilidad na rematch.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy