Una sa Balita

Jennylyn ugat ng away nina Dennis, manager

0 693

Napapaisip ­tuloy kami dahil sa naging ­Instagram post ni ‘Nay Lolit Solis sa naging concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na “CoLove Live” dahil sa joke nito at curious daw siya kung manonood si Popoy (Caritativo) at kung magkatabi raw ba ito at si Katrina ­(Aguila).

Si Katrina ang tuma­tayong manager ni Jennylyn o handler. At saka niya sinundan ng mahabang post tungkol sa talent-manager relationship.

May sinabi rin si ‘Nay Lolit na, “Kaya pag nabalitaan ko na nanood si Popoy, sure ako masaya siya for Dennis, at happy si Katrina na all is well between her and Popoy just like Jennylyn and Dennis.”

Ang tanong: Hindi ba okay sina Popoy at Katrina? O sina Popoy at Dennis? Hindi nanood si Popoy ng concert, does it mean, hindi ito happy sa sold-out concert ng alaga?

Anyway, ‘di na kami magtataka kung ­magiging isyu ito dahil sumagot si Katrina sa IG post ni ‘Nay Lolit. Sinabi niyang wala raw support si Popoy sa kanyang artist na si ­Dennis, na isa sa mga ­producer.

At sinabi rin nga nito na hindi raw nanood si Popoy ng concert, pero may chance naman daw itong mapanood ang “CoLove Live” sa February 29 sa Kapuso.

Sinubukan naming i-text at hingan ng side niya si Popoy, pero habang sinusulat namin ito ay wala pa kaming natatanggap na reply.

Napaisip tuloy kami bigla, ang dami kasing pinasalamatan ni Jennylyn sa “CoLove Live” including her managers of course, na sina Becky at Katrina Aguila, pero hindi namin narinig si Dennis na nagpasalamat sa mana­ger niya rin na si Popoy nga o sa Illuminary Talent ­Ma­nagement.
Hope all’s well with them lalo na at napaka­tagal na rin na talent ni Popoy si Dennis.

Alden, Myrtle madalas magtalo online

Ngayong linggong ito raw ang kumpirmasyon o ­announcement talaga kung official na Kapuso na nga ba si Myrtle Sarrosa. Si Myrtle ang grand winner ng “PBB Teen Edition 4”.

At hindi pa man, may dream leading man na si Myrtle among the Kapuso sakali nga at mabibigyan daw siya ng pagkakataon.

Sa mga hindi nakakaalam, lumalaban pa si Myrtle ng online games sa ibang bansa. Siya ang pinapadala o nagiging representative ng Pilipinas. Kaya naman hindi na kami nagulat nang sabihin nito ang isa sa dahilan kung bakit ang Kapuso actor na ito ang wish niyang maging leading man o co-star. Pareho sila ng interes sa paglalaro ng online games.

“May nagtanong din sa akin, ang sinagot ko, si Alden (Richards),” saad ni Myrtle.

“Kasi kalaro ko siya sa Ragnarok. So, curious ako kung paano siya maka-trabaho.”

Magiging dream come true sa kanya sakali nga at makasama niya ito sa GMA?

“We’ll see, we’ll see,” natawa niyang sabi.

Ayaw ring magbigay ng ano mang reaksyon o pahayag si Myrtle tungkol sa franchise renewal ­issue ng ABS-CBN. Na parang nai-timing din niya ang paglipat sa isyu.

Si Myrtle ang endor­ser ng Sisters Ph kaya present ito sa ginanap na blessing ng bagong building ng Megasoft, ang Mega One sa España.

Gabby Eigenmann ginawang support kina Nora, Kyline

Hindi nga kontrabida si Gabby Eigen­mann sa bago niyang teleserye. Nagbida na nga siya noon sa serye, pero sa bagong serye nga na bida sina Nora Aunor at Kyline Alcantara ay ­support lang siya.

Hindi ba naiinip si Gabby na tila hindi na siya binigyan muli ng bida role?

“Pana-panahon kasi ‘yan, hindi puwedeng sunod-sunod. I mean, sa akin ha. If you’ll gonna ask me for being impatient, ano pa ba ang kailangan kong gawin? Marami pa ‘kong dapat na matutunan, marami pa kong kailangang gawin.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More