Una sa Balita

Jennylyn type mapanood ang video scandal ni Mark

‘I-Viber niyo sa akin!’

By ,
0 2,871

Sa bagong primetime series ng GMA na The Cure ay magkasama sina Jennylyn Mercado at former boyfriend na si Mark Herras.

“Siguro nga four years ago ‘yung huli naming Rhodora X. Ngayon lang ulit kami nagkita. Hndi pa kami nagkaeksena. Bukas, bukas,” lahad ng Ultimate Star.

Pareho na sila ni Mark na very contented sa lovelife, huh!

“Happy ako para sa kanya. ‘Yun ang importante. Masaya, masaya naman ako. ‘Yung sakto lang. ‘Wag namang sobra dapat!

“Dapat alam nating mabalanse ang dalawang ‘yan!” sey ni Jen.

Ano naman ang reaksyon niya sa kumalat na sex video ni Mark?

“Ano ba ‘yon? Hindi ko pa nga napapapanood!” lahad ni Jennylyn.

Gusto ba niyang makita?

“Saan na ba? Ha! Ha! Ha! Viber mo na lang!” biro ng Ultimate Star.

Nakakatawa nga ‘yung reaksiyon ni Jennylyn tungkol sa nag-resurface na sex video ni Mark. Naging dyowa ni Jen si Mark pagkatapos nilang manalo noon sa Starstruck Season 1.

Hindi pa nga niya ito nakikita.

“I-Viber niyo nga,” pabirong sey dito ni Jen sabay malakas na tawa.

May naalala ba siya kay Mark kaya ganu’n kalakas ang kanyang tawa? Siyempre puro iling ang sagot at dedma na pagkatapos.

Happy daw siya for Mark dahil alam niyang super okey naman ang relasyon nito kay Winwyn Marquez. Masaya rin daw siya na muli silang nagkatrabaho dahil ang last nilang pagsasama ay sa Rhodora X pa.