Una sa Balita

JENNYLYN, PANTASYA PA RIN NINA YOUNG ACTORS B AT J!

By
0 111

Consistent ang dalawang young actor sa pantasya nila kay Jennylyn Mercado.

Si young actor B ay noon pa nagsabing hot na hot ang pakiramdam niya kapag nakikita niya si Jen. Si young actor J naman ay ngayon lang nagsasabing iba talaga ang feeling niya kapag nakikita niya ang mukha at katawan ng girlfriend ni Dennis Trillo.

Pero siyempre, hanggang pantasya na lang silang dalawa kay Jen, dahil obyus naman na super-in love ang bida ng My Love From The Star sa bida ng Mulawin vs. Ravena, eh.

At sa latest photos nga ni Jen na kuha sa #AvonIkawNa event, kitang-kita at lutang na lutang ang pag-like ng dalawang young actors. Ang mga fans nga ay tinag pa silang dalawa, para siguradong makita nila ang kaseksihan ni Jen.

“Hot, hot, hot! Always a crowd favorite, #JennylynMercado headlined this year’s #AvonFashions Moulin Rouge-themed show again with our newest intimate apparel offers. #AvonIkawNa,” sabi ng Avon.

“I am proud to be part of #AvonIkawNa, espousing beauty with a purpose. Thanks to all our hardworking Avon ladies who help make each Filipina discover that #ConfidenceIsTheNewSexy. @avonph,” sabi ni Jen.

Pinasalamatan ni Jen ang mga nagtulong-tulong para mapaganda siya, sina @lalaflores16,
@rjdelacruz, @ajalberto, at @dennis_celestial.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy