Una sa Balita

Jennylyn nanghina kay Coco

0 547

Ni Rose Garcia

Magkaiba ng network sina Jennylyn Mercado at Coco Martin pero hindi ang movie nila na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” ang una nilang pagsasama.

Ilang taon na nga ang nakalilipas nang magkasama sina Coco at Jennylyn sa indie movie pa.

Sabi ni Jennylyn, “‘Yung first time ko, 2007, sa indie film na ‘Nars’, tapos ‘eto. Ang tagal na nasundan pero, sobrang saya ko na nakasama ko rito sa ‘3Pol Trobol.’”

Na-experience na rin ni Jennylyn kung paano rin maging direcktor ang isang Coco Martin.

“Si Direk Coco, napaka-maalaga niyan. Palagi siyang, ‘Jen, okay ka lang?’ Itsi-check niya kung okay kaming lahat. ‘Okay kami Direk. Ikaw, okay ka ba, Direk?’”

Natatawang kuwento pa ni Jen, “Siya na ang director, siya pa ang producer. Hahaha! Nagti-taping pa ‘yan.

“So, talagang bilib ako sa determinasyon, sa passion niya. Ako talaga, saan niyo po kinukuha ang energy niya, parang ako ang nanghihina.

“Direk, pahinga rin ‘pag may time ha! Hahaha! Sa akin kasi, isang magandang experience para sa akin.”

Alexa, Sharlene FO na

Taon-taon ay nagbibigay ng Christmas party para sa entertainment press ang talent arm ng ABS-CBN na Star Magic sa pangunguna ng PR head nito na si Thess Gubi.

In fairness, isa sa masayang party ang Star Magic na talagang kaaliw ang mga pa-games. Ilan sa mga artist nila ang dumating at bumati sa press tulad ng Star Circle 12. Nag-enjoy ang press sa performance ni Jayda Avanzado at iba pa.

Winner si Alexa Ilacad na nagti-trending sa serye nitong “Killer Bride” at talagang inabangan ng press para ma-interview. Matalino si Alexa kaya kahit anong itanong dito, hindi siya takot at kayang-kaya niyang sagutin.

Noon pa kami impressed kay Alexa dahil hindi siya kagaya ng ibang artista, lalo na ang mga kaedad niya na mga pa-tweetums o pa-cute sumagot.

Dahil sa mga naging pahayag ni Alexa tungkol sa dating kaibigan na si Sharlene San Pedro, diretso ang naging sagot nito nang tanungin kung friends pa rin ang turing niya rito nang, “No na po.” Friendship over (FO) na nga sila.

Pero being professional, sakali at may offer na project na magkakasama sila ay game raw siya as long as napakaganda raw ng material.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More