Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jennylyn nagpatutsad sa gobyerno

0 1,016

Kapuso si Jennylyn Mercado, pero isa siya sa mga Kapuso star na masasabi sigurong love na love ngayon ng mga Kapamilya fan.

Ikinumpara pa nga ng ilang netizen si Jennylyn sa isang sikat na Kapamilya star na never raw nilang nakita o narinig na nagbigay man lang ng suporta mula nang mapa-shutdown ang network hanggang sa tuluyan na ngang i-deny ng kongreso ang franchise renewal.

Hindi mapag-react si Jen sa mga isyu, pero, ilang beses na rin itong nagpo-post kapag may disgusto sa nangyayari sa bansa at pumpipitik din sa gobyerno. At nagpahayag nga ng suporta sa ABS-CBN kahit isa siyang Kapuso ever since.

Ni-retweet naman ni Jen ang post tungkol sa Law is Law, pero ang mga kakampi raw na lumabag sa batas ay hindi naman naparusahan.

“Kamusta na po pala ang nag-Mananita, ang senador na nag-mass gathering? Hindi sila pumasa sa vibe test,” sabi ni Jen.

Dahil dito, ang daming nag-comment kay Jennylyn at tinatawag itong ultimate star raw talaga. Sey ng isang netizen, “Ginagamit niya ang platform niya para magpahayag ganyan ang ultimate star.”

Contis, De Rossi #1 sa Netflix

Masaya rin si Alessandra de Rossi ngayon na ang pelikulang isa siya sa creative at pinagbidahan with Paolo Contis na “Through Night & Day” ay number one trending sa Netflix.

Pero ayon kay Alessandra since ang daming nagtatanong sa kanya ngayon sa Twitter na mga naapektuhan, tinamaan, naiyak sa movie nila, sinabi niyang wala naman daw taong lumaban para sa kanya. Kaya ang natutunan niya raw, huwag magtiwala sa taong sa ‘yo lang mabait, pero sa iba ay hindi.

“Oh. Nobody even fought for me. Okay lang. What’s done is done. Lesson, never trust people who are nice to you, but mean to others. They’re only nice dahil may kailangan sa ‘yo.”

Aminado naman si Alessandra kahit sa mga dating tweets niya na ngayong pandemic, mas nakilala niya ang mga taong nandiyan para sa kanya.

Jillian kinilig kay Marian

Umiiral pa rin ang pagka-fan ng isa sa bida ng “Prima Donnas” na si Jillian Ward. Tulad ng mga fan na kapag napansin sa social media ng kanilang mga idolo ay sobrang saya na at parang achievement unlocked, ganung-ganun ang pakiramdam ni Jillian.

Ang dahilan, ang pagla-like la ng sa Instagram post niya na Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ini-screenshot pa ni Jillian ang “Marian Rivera liked your photo” at pinost sa kanyang Twitter account.

“Oa na kung oa, pero kinikilig ako ng sobra everytime nangyayari to,” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.