Una sa Balita

Jennylyn, misis ni Patrick pinag-aaway

By
0 1,105

Hindi naka­tiis ang mi­sis ng aktor na si Patrick Garcia na si Nikka Martinez na sagutin ang isang netizen na nag-comment sa sinabi niya sa ex-girlfriend ni Patrick na si ­Jennylyn Mercado.

Maganda ang naging comment ni ­Nikka sa pinost ni Jennylyn sa Instagram tungkol kay Jazz, ang anak ni Patrick kay Jen. Naka-costume ito para sa Buwan Ng Wika sa kanilang school.

Maraming celebrity friends ni Jen ang nag-post ng magagandang comment nila, kabilang na roon si Nikka.

“Hehe! So handsome jazz!!!! Grabe!!! Jen… make more babies na,” comment ni Nikka.

Nagulat na lang si Nikka nang biglang may netizen na sinagot ang comment niya sa hindi magandang paraan.
Pinost ng netizen ay: “San ba Patrick? Hahahahaha!”

Sinagot naman ng maayos ni Nikka ang netizen, pero binigyan ito ng ibang kahulugan ng ibang netizens.

“Hi! Patricks with me. Jen is happily in a relationship with Dennis Trillo. I can only imagine their combo.

Regardless tho’ Jen is beautiful so she will obviously make good looking kids no matter who she ends up with! Good vibes only God bless you!” reply ni Nikka.

Nag-react naman ang isang netizen na: “I think sa ‘make more babies’ naging off…”

Tila napikon na si Nikka kaya heto na lang ang sinagot niya: “ok guys I think I’ll just delete my comment. U guys put so much negati­vity in what was meant to be nice positive comment. Wag nalang.”

For the record, in good terms sina Nikka at Jennylyn. Minsan ay nagkikita-kita sila para makapag-bonding ang mga anak ni Patrick sa Kuya Jazz nila.