Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jennylyn mas bumata, sariwa sa piling ni Dennis

0 90

Lalong bumata, sariwa, gumanda si Jennylyn Mercado, ha!

Sa totoo lang, parang hindi tumanda si Jennylyn, at lalo nga itong naging ma-appeal sa mga boylet.

Kilalang maalaga si Jen sa kanyang kagandahan, kaseksihan. Kita niyo naman, para rin siyang si Kim Chiu na sinusubukan ang halos lahat ng exercise, mula sa pagbibisikleta, at pagdyi-gym sa loob ng bahay.

Sa latest Instagram photo ni Jennylyn, natulala nga ang mga fan sa kagandahan niya, lalo na sa hugis ng kanyang mukha.

Pak ang ganda! Love your hair. Gorgeous! Hindi kumukupas ang ganda. Simple beauty, pero ang lakas ng dating.

Ganiyan nga ang mga komento ng mga fan sa kagandahan ni Jen.

At kahit ang mga Kapuso star na sina Jasmine Curtis Smith, Andrea Torres, Pauleen Luna, Jessa Zaragoza, ay nagsasabing mas lalo nga siyang gumanda ngayon.

Well, isa lang ang ibig sabihin niya, mahusay mag-alaga, magpaganda si Dennis, ha! Panalo! Sabi nga, mas bumata, sumariwa si Jennylyn sa piling ni Dennis. Hindi nga siya tulad ng iba, na kapag matagal na sa piling ng karelasyon nila ay tila nalalaspag na! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.