Una sa Balita

Jennylyn kilig-to-death sa mga paandar ni Dennis

By
0 2,015

Kasisimula pa lang ng taon ay sweetness overload na ang ‘magdyowang’ Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Bukod nga sa mag-partners in life, travel buddies din ang dalawa na last nga ay kung saan-saan pumunta at sa taong ito, sinimulan na ng dalawa ang kanilang love journey sa Bohol.

Of course, mara­ming pa-hug pics together ang dalawa, kaya mas lalo namang kinilig ang kanilang fandom, noh!

Nakatakas kahit papaano ang Kapuso star sa kanyang taping sa bago nitong teleserye na TOTGA, samantalang si Jen ay magsisimula pa lamang ng kanyang bagong pro­ject opposite Tom Rodriguez.

So habang may free time, love, love, love muna ang happy couple, huh! Kaya naman si Jen, kilig na kilig pa rin talaga sa mga paandar ni Dennis, dahil ang sweet naman talaga kasi ng aktor.

Vice Ganda yayamanin ang lifestyle

Kung ang ilang sikat nating artista ay ibinenta na ang kanilang luxury vans, aba, iba rin ang eksena ni Vice Ganda, noh! Bongga na nga ang luxurious van nito pero mas binonggahan pa raw nito.

Para nga raw isang first-class plane ca­bin ang van nito kaya donyang-donya talaga ang datingan, huh!
Well, para sa iba, deserved naman talaga ito ng Unkabogable Box-Office Star dahil mega-work naman ito 365 days in a year.

Kung anuman ang trip niya sa buhay, walang basagan dahil kaya naman niya i-sustain ang anumang lifestyle na gusto niya ngayon, devah?

‘Wag nang intrigahin kung pa-feeling rich o donya ito dahil sa estado niya ngayon, yun na yun ang eksaktong description sa kanya.

Naku, kahit sino namang beks na magkaroon ng ganitong kapalaran kay Vice, tiyak na ganun din ang gagawin, noh!

Tayo pa ba mag-e-etchingan? Mamatey na ang naiinggit! Chos!