Una sa Balita

Jennylyn kasado na ang pagtakbo sa ibang bansa

0 661

abante-i-know-better-jun-nardoNaghahanda na si Jennylyn Mercado para sa pagsali niya sa isang marathon sa ibang bansa. Isa raw ito sa nasa bucket list niya kaya kahit ilang buwan pa bago ang marathon eh, naglalaan siya ng oras para mag-training.

Sa interview kay Jen, sinabi rin niyang may business silang pagsosos­yohan ng boyfriend na si Dennis Trillo. Iba ito sa negosyong cookies nga­yon ng Ultimate Star pero isa raw ito sa plano nila this year ng boyfriend.

Pagdating naman sa kanyang career, si Gabby Concepcion ang makakapareha sa gagawing Kapuso series. Waiting din sa kanya ang Reality Entertainment para sa isang movie na gagawin niya.

Anyway, sa handog ng “Magpakailanman” nga­yong Sabado, bibida si Jen sa role ng isang tomboy na nabuntis.

Barbie takot makasama si Jak sa tent

Nagsabi ng kundis­yon si Barbie Forteza sa muli nilang pagsasama ng boyfriend na si Jak Roberto sa upcoming Kapuso series na “Kara Mia.” Dapat daw ay hiwalay sila ng tent ni Jak tuwing taping.

“Baka hindi ako makatulog! Madaldal ‘yon! Ha! Ha! Ha! Pero hiwalay naman talaga ang tent ng boys sa girls sa taping,” pahayag ni Barbie sa isang interview.

Ibinahagi rin ng Kapuso Primetime Princess ang dahilan ng pagiging matatag ng relasyon nila ng boyfriend. Hindi raw sila mahigpit sa isa’t isa.

“Para hindi kami masyadong masakal sa isa’t isa,” rason ni Barbie.

Makakasama nina Barbie at Jak sa “Kara Mia” sina Mika de la Cruz at Paul Salas.